Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jennylyn Mercado Dennis Trillo Green Bones

Jen grabe ang iyak nang mapanood ang Green Bones

MA at PA
ni Rommel Placente

NAPANOOD na namin ang pelikulang Green Bones na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Ruru Madrid sa ipinatawag na special screening ng manager ng una na si Tita Becky Aguila. 

Nagpaunlak ng interview si Dennis bago magsimula ang Green Bones. Tinanong namin siya kung ano ang pakiramdam na kakaunti ang sinehan na naibigay sa kanilang pelikula kompara sa iba? 

Sey ng aktor siya,  ang tipo ng tao na makukontento lang kung ano ang ibinigay sa kanya, pero mas gusto na nga raw niya  na kaunting magsimula at madadagdagan nang madagdagan, kaysa naman marami sa umpisa, pero hindi naman napupuno ang sinehan.

Totoo naman ang sinasabing ito ng aktor, dahil mula sa 47 theaters naging 69 cinemas na, at nadagdagan pa simula nang manalong best actor, best supporting actor, at best picture. 

Dahil nga sa ganda ng pelikula, kaya naging word of  mouth ito na mas marami ang nanood na naging dahilan para magdagdag nga ng mga sinehan,

Ayon pa kay Dennis, naging iba raw ang atake niya sa role na ginampanan niya sa pelikula. Kalkulado bawat galaw, senyales at linyahan. ‘Yung storytelling ng pelikula ay sineryoso nilang dalawa ni Ruru kaya masaya siya sa magandang feedback ng mga nakapanood na.

Ibinida rin ni Dennis ang pambihirang suporta ng asawang si Jennylyn Mercado. Nakatutuwa dahil para sa kanya ang asawaang numero unong kritiko niya. 

Bihirang manood ng mga project niya si Jen, piling- pili lang. Kaya naman noong premiere night na nanood ang aktres ay nakita niya kung paano ito naiyak, as in break down at matagal bago nakaget-over kahit tapos na ang pelikula. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …