NGAYONG idinisplay na rin ni Dominic Roque si Sue Ramirez sa isang Christmas Party sa ineendoso niyang fuel company, siguro naman ay maniniwala na nga tayong more than friendship ang namamagitan sa kanila.
Komportableng-komportable ang dalawa na makipaghuntahan sa mga tao at nakikipag-biruan pa nga ang mga ito sa pakontes o parlor game na “akin ito, atin ito,” ang kontrobersiyal na tagline o slogan ng fuel company na nasangkot noon sa Dominic-Bea Alonzo break up.
“Ang ganda nilang tingnan. Napaka-game at chill lang. Super bagay sila,” sey ng mga nag-marites sa amin.
At dahil naroon na lang din si Sue, nagawa nga raw nitong i-promote ang MMFF entry na The KINGDOM na kasali siya na sinuportahan naman ng wagas ni Dom.
‘Yun na!