Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lito Lapid Coco Martin

Coco pag-isipang mabuti pagpasok sa politika

HATAWAN
ni Ed de Leon

KINUKUMBINSI raw ni Lito Lapid si Coco Martin na pumasok sa politika. Paanong papasok si Coco sa politika? Magagawa ba niyang iwanan ang taping ng Batang Quiapo para magkampanya? Ang masakit doon hindi lang naman artista si Coco sa Batang Quiapo, katulong din siya sa pagbuo ng kuwento, pagsulat ng script, at pagdidirehe pa ng serye. 

Kung siya naman ay manalo, bilang senador din halimbawa, paano na rin ang career niya eh tatlong beses sa isang linggo ang sesyon sa senado bukod pa sa mga hearing na ginagawa? 

Okey lang iyon sa mga kagaya nga ni Lito o ni Robin Padilla na hindi na rin naman masyadong in demand at wala na halos ginagawang pelikula.eh si Coco ng daming on going projects. Kaya malamang na mapabayaan din niya ang kanyang tungkulin kung manalo man siya, o mapabayaan naman niya ang kanyang career na mas malaki ang kita niya.

Maganda ngang example ang sinasabi ni Vilma Santos, noong panahon na mayor siya ng Lipa at gobernador ng Batangas. Napansin niya na mas malaki ang binabayarang tax ni Luis Manzano kaysa kanya. Kaya kahit na matagal na ring hinihikayat iyong kumandidato, pinipigil ni Ate Vi at sinasabing, “handa ka na bang mawala ang malaking bahagi ng kinikita mo?” Ganyan din ang sinabi ni Ate Vi noon kay Ai Ai delas Alas na nag-ambisyong maging mayor ng kanilang bayan, sa Batangas din.

Ang payo ni Ate Vi, “ikaw ang comedy queen sa ngayon. Magagawa mo bang talikuran ang malaking kita sa iyong mga pelikula at tv show at malamang mai-abono mo pa ang sarili mong pera para sa mga proyektong gagawin mo? Kung hind pa mag-isip ka muna.”

Nasasabi iyon ni Ate Vi dahil nangyari sa kanya. Milyon ang kita niya sa bawat pelikula. Milyon din ang kita niya noon sa kanyang tv show. Pero lahat iyon ay nawala nang maging mayor siya, at lalo na nga nang maging gobernador ng lalawigan. Noon ang nangyayari pa, kung may proyektong kailangang isagawa agad at walang pondo sa kapitolyo, magpapaalam siya sa Kapitolyo na gagawa muna ng pelikula, para makakuha ng pampondo sa proyekto nila. 

Akala lang nila masarap ang buhay ng isang public servant. Hindi hoy maliban na lang doon sa mga nagwawalanghiya sa puwesto. At iyong kinikita ko sa Kapitolyo, maibibigay mo rin sa mga humihingi ng tulong sa iyo sa araw-araw. Kulang pa. Mabuti may asawa naman akong siyang gumagastos ng lahat ng kailangan sa bahay namin. Kung hindi paano na? Ni wala akong pangsuweldo sa driver at sa mga kasambahay namin,” ani Ate Vi.

At iyan ang isang bagay na kailangang isipin din ni Coco. Sa ngayon ay napakataas ng kanyang career, napakalaki rin ng kanyang kinikita, kaya ba niyang isakripisyo ang lahat ng iyon?

Kung kami si Coco, tutal bata pa naman, ‘wag nang pumasok sa politika. Kung matanda na siya at hindi na masyadong busy at napaghandaan na rin niya ang kanyang kinabukasan at ang kinabukasan ng kanyang mga anak at saka na siya mag-isip.

Kung ngayon siya papasok sa politika, baka maging mga kaibigan din niya sina Mary Grace Piatos, Fenando Tempura, at Carlos Miguel Oishi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Money Bagman

P180-B ‘tinatayang nawawala’ sa ghost flood control projects

MAHIGIT P180 bilyon ang malamang na napunta sa mga ‘guniguni’ o ghost na flood control …