PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
AS we write this, wala pang anumang pahayag sina Neri Naig o Chito Miranda, kaugnay ng pumutok na balita noong Lunes na dinakip umano ang una.
Sa mga balita nga ay lumabas na umano’y nasangkot o may kaugnayan sa negosyo ang pagdakip sa asawa ni Chito na nakilala nga recently sa showbiz na “wais na misis” dahil sa mga diskarte nito sa negosyo.
Nasisira ang pangalan nina Neri at Chito kaya’t umaasa ang marami na very soon ay bibigyan nila ng linaw ang gusot na sinasabing nagsadlak sa tinaguriang wais na misis para mahuli o ma-serve ng warrant of arrest.
Hindi birong usapin ang mga isyu sa negosyo at pera dahil may mga pinapatay nga nang dahil diyan.
Valid naman na mag-worry ang mga nakaka-kilala sa kanila, ang fans at supporters o kapamilya nila.