PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
KAPANSIN-PANSIN lagi na kapag mayroong ipinu-promote na project si Julia Barretto, lumalabas din ang isyu sa kanya ng tatay niyang si Dennis Padilla.
Same item, same story tungkol sa hindi nila pag-uusap at pakiusap nga ni Dennis na kausapin naman siya ng mga anak niya.
Kahit nga si Gerald Anderson na ayaw makialam sa problema ni Dennis sa mga anak niya ay naisasali sa usapan.
Sa aming experience ng pakikipag-usap kay Julia, mahusay at matino naman itong sumagot. Marespeto rin itong nagbe-beg-off o sasagot ng matipid kapag tungkol sa personal na buhay niya ang topic.
Muling bibida si Julia sa Hold Me Close, kasama si Carlo Aquino sa Viva Films MMFF entry nila this December.
“I truly appreciate it if we talk about the movie because it is the reason why we are having this (mediacon). This is our second time to work together, kaming tatlo nina Caloy (Carlo) at direk Jason Paul Laxamana and I believe, this is better, braver and more nakai-inlab,” sey pa ni Julia na puring-puri ni Carlo ang pagiging aktres, katrabaho, at kaibigan.