Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gerald Anderson Janno Gibbs Stanley Chi Bea Alonzo Pia Wurtzbach

Gerald kinulit nina Janno at Stanley sa mga past relationship

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Gerald Anderson sa The Men’s Room ng One News PH, ay napag-usapan ang past relationship niya.

Isa mga itinanong na hosts ng show na sina Janno Gibbs at Stanley Chi ay kung okay na raw ba sila ni Letter B.

Biglang tumawa ng malakas si Gerald at halatang nagulat sa tanong ng dalawa, dahil alam naman niya na ang tinutukoy ng mga ito ay si Bea Alonzo.

Matagal bago nakasagot ang aktor, ngunit ayon sa kanya: “Hindi ko masagot ng 100%, pero siyempre sa side ko, okay naman. Ang tagal na niyin eh. Ayun lang..”

Taong 2019 nang mabalitaang naghiwalay sina Gerald at Bea matapos i-ghost ng una ang huli.

Sumunod na nakaiintrigang tanong kay Gerald ay kung totoo ba ‘yung kumakalat na chismis sa kanya at kay letter P.

Alam ni Gerald na ang tinutukoy ay si Pia Wurtbach.

Sambit ni Gerald, “Ang tagal naman ‘niyon. Chismis lang ‘yun.”

Pinanggalingan ng tanong ang chika noon na nag-date umano sina Gerald at Pia, matapos magsama sa pelikulang My Perfect You.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …