PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NAPAKINGGAN naman namin ng live sina Seb Pajarillo at Jeniffer Maravilla at mga bago nilang singles under GMA Playlist.
Magkaiba ang kanilang style dahil very powerful ang boses ng The Clash champion na si Jeniffer, habang “crooner” naman ang datingan ng sportsman na si Seb.
Kapwa hugot songs ang kanilang napiling i-launch with Seb’s Dati Pa and Jeniffer’s Di Na Puwede, na lalabas na sa Nov. 29.
“Singing is very much alike in acting. Mas mahirap pa nga at times kasi sa bawat bitaw mo ng lines, from sustaining to shifting your emotions, dapat ‘yung boses mo consistent din. Sa acting kasi, puwede kang mag-pause, mag express thru your facial expressions,” saad ng dalawa na kapwa na rin naranasang umarte sa mga TV series ng GMA 7.
Although mahal daw nila ang pag-arte at nais din nilang maging versatile lalo na sa mga character role, hindi pa rin nila pwedeng balewalain ang pagkanta bilang first love.
“At saka po thru singing talaga, mas napapadali ang pag-express at pag-relate namin ng aming mga personal experiences kaya it’s there to exist,” dagdag pa ng dalawa.
Congratulations and good luck Seb at Jeniffer.