Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Aga Muhlach Uninvited

Aga personal choice ni Vilma, magsosolian ng kandila kung ‘di tinanggap

MA at PA
ni Rommel Placente

SPEAKING of Vilma Santos, sinabi  ng  Star For All Seasons na hindi naging madaling gawin ang Uninvited. Involve rin kasi siya sa paggawa ng film. Kaya naman pagdating sa cast ay may sey din siya.

Ang isa sa importanteng role sa pelikula na 

wala silang naiisip na pwedeng gumanap na iyon ay  walang iba kundi si Aga Muhlach. Kaya nga tinawagan na rin siya ng aktor nang malamang inaalok ito sa kanya at kinompirma kung totoo nga na gagawa sila ng pelikula. 

Matagal-tagal na rin kasi nang huli silang magsama at ito ay sa pelikulang Sinungaling Mong Puso at Nag-iisang Bituin na halos tatlong dekada na ang nakararaan.

Sabi raw ni ate Vi kay Aga, kailangan niyang tanggapin ito. Biro pa nga raw niya,  dahil kung hindi ay magsosolian sila nina Aga at Charlene Gonzales ng kandila. Ninang kasi nila ito sa kasal. Doon daw nag-umpisa ‘yun. Kaya naman nabuo na nga ang pelikula. 

Para kay Aga, paano naman daw siya makatatanggi nang ialok ito sa kanya? Napakasaya nito na makatrabaho muli si ate Vi. Sey niya, ‘It comes in three’s’ nga raw dahil ikatlo na itong pelikula na pagsasamahan nila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …