Tuesday , February 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Boy Abunda Gabbi Garcia Ruru Madrid

Gabbi inamin nahirapang maka-move-on kay Ruru

MA at PA
ni Rommel Placente

INAMIN ni Gabbi Garcia na nahirapan siyang maka-move on matapos ang break up nila ng ex boyfriend na si  Ruru Madrid noon.

Sa kanyang guesting sa  Fast Talk With Boy Abunda ay sumalang sa   “guilty or not guilty” challenge si Gabbi at natanong siya ng  King of Talk tungkol sa kanyang past relationship. 

Tanong ni Boy Abunda kay Gabbi, “Guilty or not guilty? Nahirapan ka bang mag-move on?” 

Sagot ng aktres, “guilty.”

Kung kay Ruru, tanong ni Kuya Boy, tumawa si Gabbi, sabay sabing “Ay may kasunod!  Oh sige, oo. First love ko eh!” 

Nang matanong kung okay lang ba ito sa present boyfriend na si Khalil Ramos na binanggit ang name ng ex, wala raw problema sa BF. Very open, secure at smart person naman daw ito.

Nagkaroon mg relasyon sina Ruru at Gabbi noong sila’y  15 and 16 years old at nag-uumpisa pa lamang ang kanilang careers noon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Marco Gomez Paolo Gumabao Atty Topacio Spring In Prague

Marco Gomez maganda exposure sa pelikulang “Spring In Prague”, Paolo Gumabao saludo sa  produ na si Atty. Topacio 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang exposure ni Marco Gomez sa pelikulang “Spring In …

PMPC

Bagong halal na opisyales ng PMPC nanumpa

RATED Rni Rommel Gonzales PINANGUNAHAN ng bagong halal na pangulo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang …

Love Kryzl

Heart’s In Bloom ni Kryzl inilunsad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAKAKA-LSS ang bagong inilunsad at ikaanim na single ni Love Kryzl, ang Heart’s …

Angel Locsin Joaquin Arce

Angel bongga ang ipinakikitang suporta kay Joaquin

I-FLEXni Jun Nardo HANGGANG X (formerly Twitter) naglalabas ng tweets ang missing in action pa ring si Angel Locsin. …

Blind Item, Mystery Man, male star

Serye sa isang network ‘di maumpisahan, bidang aktor sayang

I-FLEXni Jun Nardo TOTOO ba ang nasagap naming tsika na may problema pa raw sa …