Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vice Ganda Julie Anne San Jose

Vice Ganda may pasaring kay Julie Anne

MA at PA
ni Rommel Placente

NAG-JOKE ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda tungkol sa kinasangkutang kontrobersiya kamakailan ni Julie Anne San Jose

Sa segment ng It’s Showtime na Tawag ng Tanghalan, nag-joke si Vice tungkol sa kinasangkutang kontrobersiya kamakailan ni Julie Anne, ang pagkanta nito ng fast song na Dancing Queen sa loob ng simbahan.

Pinuri-puri ni Vice ang contestant sa pagkanta nito ng You Are My Destiny ni Paul Anka. Para raw  pang-Linggo talaga ang boses nito, na ibig sabihin pwedeng-pwedeng pang-simbahan ang boses nito.

Kaya tinanong ni Vice ang contestant kung ano ba ang ginagawa nito every Sunday. 

Nagsisimba,” mabilis na sagot ng TNT contestant.

Anong kinakanta sa simbahan?” sundot na tanong ni Vice. Pero siya na rin ang sumagot, “Dancing Queen. Charot!

Charot lang, kayo naman! Sinasakyan ko lang ‘yung mga eksena n’yo,” ang natatawa pang hirit ng TV host-comedian.

Naging malaking isyu ang pagpe-perform ni Julie Anne sa loob ng isang simbahan sa Occidental Mindoro, para sa isang benefit concert.

Hindi nagustuhan ng ilang Pinoy ang pagkanta ng Kapuso actress-singer ng Dancing Queen ng Abba sa mismong altar ng simbahan pati na ang kanyang suot na gown na may mahabang slit.

Hindi raw kasi appropriate ‘yun sa lugar na idinaos ang concert.

Unang naglabas ng public apology ang GMA Sparkle talent management hinggil sa nangyari na sinundan ng official statement ng kura paroko ng simbahan.

Nag-sorry din si Julie Anne sa lahat ng na-offend sa naging performance niya sa loob ng simbahan na sinabi niyang wala siyang intensiyon na makasakit ng kapwa.

Ano naman kaya ang magiging reaksiyon ni Julie Anne kapag nakarating sa kanya ang pagjo-joke sa kanya ni Vice? Hindi naman siguro siya mao-offend since alam naman niya na isang komedyante si Vice, ‘di ba? 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …