Friday , May 9 2025
Anthony Pangilinan Surgey

Daddy ni Donny sumailalim sa heart surgery

MA at PA
ni Rommel Placente

IKINUWENTO ni Maricel Laxa sa guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda ang kondisyon ngayon ng asawang si Anthony Pangilinan matapos ma-ospital. Sumailalim sa heart surgery at kung ano ang kanilang pinagdaanan haba  ng nagpapagamot at nagpapagaling ang mister.

He’s doing much better. He’s back to work. Nagtatrabaho na, nagwo-walking, lahat. I mean, that’s the only way he will heal,” sabi ni Maricel.

He had heart surgery, and we were in the hospital for three weeks. Ngayon he is recovering. It’s been two weeks out of the hospital,” sabi pa ng mommy ni Donny Pangilinan.

Sa tanong ni Tito Boy kung bakit hindi nila ipinaalam sa publiko ang naging karamdaman ni Anthony, ang sagot ni Maricel, “We didn’t want to make it public. We just wanted a private time para sa pamilya so that we could heal properly, all of us.

“Kasi kapag dumaraan sa ganitong challenge sa buhay, kailangan ng suporta ng bawat isa. And so we went through it quietly and it’s the most beautiful thing to go through together,” paliwanag pa niya.

Dagdag pang pahayag ni Maricel tungkol sa kondisyon ngayon ni Anthony, “Ako, araw-araw is a day to be thankful for. The good, the bad, the ugly, everything is a gift. Every day is a gift.”

Kamakailan ibinahagi ng tatay ni Donny sa kanyang Instagram account ang naranasang hirap sa paghinga kaya nagdesisyon agad magpatingin sa doktor.

Base sa resulta ng medical test, nagkaroon siya ng mitral heart valve issue na may “torrentially severe leak.”

If not for a strong heart, which I think I got from running, I should have already showed more serious heart symptoms,” sabi ni Anthony sa kanyang post.

Kasunod nga nito ang pagpapa-opera, “It was supposed to be a three to five hour procedure, turned out to be 12 due to some difficulty in inserting the right tube into my lungs while they worked into my heart.

“What was anticipated as a week into the hospital turned out to be at least three as a combination of post-operation procedures to clear my lungs, to regulate my heart rate, blood pressure and to initiate my rehabilitation protocols demanded some attention.

“It will be a long, slow road to recovery. One doctor said that what I went through was like being beaten up by 10 guys and rammed by 10 trucks. To hell and back, I describe it.

“Whatever way it is spoken of, I made it through by His grace,” mensahe pa ni Anthony.

About Rommel Placente

Check Also

Ralph dela Paz

Ralph Dela Paz sunod-sunod ang proyekto

MATABILni John Fontanilla SUNOD-SUNOD ang pelikula ni Ralph dela Paz matapos bumida sa advocacy film …

Alden Richards Tom Cruise

Alden Richards sobra ang katuwaan nang makita si Tom Cruise  

MATABILni John Fontanilla KITANG-KITA ang katuwaan kay Alden Richards nang makaharap ng personal ang  Hollywood …

Lani Misalucha

Lani balik-concert stage para sa isang timeless music at artistic excellence

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAITUTURING na grand comeback ang pagbabalik sa concert scene ng Asia’s …

Dennis Trillo Rhea Tan Beautederm Belle Dolls

Dennis okey lang mag-endoso ng beauty product; Rhea Tan puring-puri kabaitan ng aktor

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez OPISYAL na ipinakilala ng President/CEO ng Beautederm, Ms Rhea Anicoche-Tan ang bagong ambassador ng Belle …

Yul Selvo

VM Yul Servo Nieto patok sa serbisyo at tapat sa tungkulin, tunay na alas ng Maynila!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA GITNA ng ingay ng politika at walang humpay na …