MA at PA
ni Rommel Placente
SA interview ni MJ Felife para sa ABS-CBN News kina Kathryn Bernardo at Alden Richards, tinanong sila kung ano-ano ang mga hinarap nilang challenges sa Canada na namalagi sila roon ng dalawang buwan, para sa shooting ng kanilang pelikula titled Hello, Love, Again.
Sabi ni Alden, “I think ‘yung weather, weather’s a big dilemma sa amin especially exterior scenes.”
Para naman kay Kath, “Biggest challenge so far ‘yung buwelo for me. Medyo nahihirapan akong bumwelo kasi my last project was ‘A Very Good Girl’ pa, and then I didn’t do anything aside from TVCs and digital shoots, medyo nag-adjust lang ako.”
Pero sabi nga nina Alden at Kathryn, nandiyan palagi ang direktor nilang si Cathy Garcia Sampana, para i-guide sila sa bawat eksenang napakahirap itawid at bigyan ng hustisya.
“All the Filipinos there are very supportive, and the team we feel so much love here in Calgary,” sabi ni Alden.
“So much love from Calgary especially from the Filipino community here, like today part yung iba ng scenes,” sey naman ni Kathryn.
Samantala, napakalaki raw ng pagkakaiba ng HLG sa HLA lalo na sa pag-atake sa kanilang karakter bilang sina Ethan at Joy.
Bukod sa magkaibang bansa kinunan ang dalawang movie.
“Parang sobrang iba from the first, difference ng script and storytelling, napakalayo from the first. Sobrang up a notch doon sa original story.”
Inamin naman nina Kath at Alden na mas naging close pa sila while filming in Canada at in fairness, mas marami na rin silang napag-uusapan ngayon kaysa noong magsama sila sa una nilang pelikula.
“Yes, mas familiar, mas comfortable,” sabi ng Asia’s Multimedia Star.
Ayon naman kay Kathryn, “’Yun ‘yung sakto I think sa story din, kasi sa first part doon lang naman nag-meet si Joy at Ethan then how many years fast forward here we are again doing the part 2 so sakto rin ‘yung dynamics namin ngayon and where we are now sa hinihingi ng ‘Hello Love Again.’”
Sa tanong naman ni MJ kung gaano na sila ka-close ngayon, unang sumagot si Alden, “Parang ngayon nga nag-uusap kami ni Kath everytime na kaming dalawa lang na ngayon lang talaga namin nakilala ang isa’t isa.
“Kasi before ‘HLG’ wala namang chance to really talk to each other. Mas comfortable, mas familiar like I said, ‘yun ‘yung parang nagiging way namin to make this film even more effective than the first part,” dagdag pa ng aktor.
Ayon naman kay Kath, “I think safe to say na compared to ‘Hello, Love, Goodbye’ to ‘Hello, Love, Again’ parang medyo malaki ang change niyon kasi iba ‘yung naging set-up then.
“Sa working environment kasi iba rin naman kung paano kami ngayon tapos mas nakilala ko na over the years so if we’re talking about comfortability, nandoon kami sa stage na very comfortable na we can talk about anything,” paliwanag pa ng dalaga.
Mapapanood na ang Hello, Love, Again sa mga sinehan nationwide simula sa November 13. Kasama rin sa movie sina Joross Gamboa, Jeffrey Tam, Lovely Abella, Valerie Concepcion, Jennica Garcia at marami pang iba.