Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ogie Diaz Quizmosa Tita Jegs Ton Soriano

Ogie Diaz sa pagtanggap ng show sa TV5, ipinaalam kay Ms Cory 

MA at PA
ni Rommel Placente

DAHIL magaling na host ang comedian-talent manager, content creator-host na si Ogie Diaz kaya kinuha siya ng TV5 para mag-host sa Quizmosa, na kasama sina Tita Jegs at Ton Soriano.

Pero siyempre, bago ito tinanggap ni Ogie ay nagpaalam muna siya sa TV executive na si Ms. Cory Vidanes, channel head ng Kapamilya channel. Rito naman nagsimula ang comedian-talent manager at hindi nawawalan ng mga proyekto sa tulong na rin ni Ms. Cory na mahal na mahal siya.

At sa kanyang Facebook account, ayun at sinabi nga ni Papa O na nagpasintabi muna siya kay kay Ms. Cory.

Post ni Ogie, “Kinakabahan ako. Charot. Pero wa echos, nae-excite ako kasi panibagong challenge ito sa buhay ko.

“Kung kailan naman nagkaka-edad na at saka naman nabibigyan ng mga ganitong pagkakataon, choosy pa ba? Hehehe. Thank you, Papa God! (emojis praying hands and smiling face with a heart)

“Samahan n’yo kami nina Jegs Chinel, Ton Soriano, ha?

“Thank you sa TV 5 sa pasabog na pag-welcome. [May] pa-billboard pa silang nalalaman, kaya sana, ma-meet namin ang expectations ng management.

“Yes, bago pa ho ako nakipag-meeting sa creatives ng TV 5, nagpaalam po ako sa aking nirerespetong Channel Head ng ABS-CBN, si Tita Cory Vidanes, at nakakuha naman tayo ng basbas, kaya thank you, Tita Cory! I love you!

“Kay Joaquin Enrico C Santos na siya ring nagbigay sa akin noong 2005 ng ‘Showbiz No.1’ (daily talkshow with my Mareng Nina Corpuz at Jc Cuadrado), thank you sa trust and confidence mo, Enrico!

“Ganun din kina Direk Derick Cabrido, Acris Linaban Tobias at sa buong TV5, salamat talaga!

“Game nang chumika! Basta tama ang sagot at impormasyon n’yo, mga Kapitbahay kong ‘Quizmosa,’ malaki ang chance mong mag-uwi ng cash prize!”

Good luck Papa O sa bago mong show na Quizmosa sa TV5, na mapapanod na simula sa October 21 after Eat Bulaga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …