Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aljur Abrenica AJ Raval

Aljur may pa-sweet message kay AJ, netizens negatibo ang reaction

MA at PA
ni Rommel Placente

MAY sweet message si Aljur Abrenica para sa kanyang mahal na AJ Raval na ipinost niya sa kanyang Instagram account.

Dalawang litrato nila ni AJ ang ibinahagi niya sa IG na mababasa sa caption ang pagpapasalamat sa Vivamax star sa pagtanggap sa kanya ng buong-buo.

Sabi pa ni Aljur, ramdam na ramdam niya ang unconditional love na ibinibigay sa kanya ni AJ kaya naman wala na siyang mahihiling pa sa kanyang lovelife.

Mapakikinggan naman sa kanyang post ang background music ng kantang Beautiful Things ng American singer at songwriter na si Benson Boone.

Narito ang kabuuan ng message ni Aljur kay AJ: “Thank you for embracing every part of me. Your unconditional love reminds me every day that being myself is enough.

“I’m so grateful to have you by my side, celebrating our beautiful journey together.”

Pinusuan at ni-like ng mga netizen ang post ni Aljur pero mas marami pa ring negatibo at pang-asar na comments mula sa bashers na kumakampi pa rin sa estranged wife niyang si Kylie Padilla.

Narito ang ilang reaksiyon ng mga IG followers ni Aljur.

He left his wife and kids for other woman…yes it’s not aj, but instead of winning his family back he left them totally that makes kylie made a decision to a point of no return. To Aj, how are you so sure you’ll be his last?”

“Iniwan ang Asawa at dalawang anak. Kagaling.”

“Mas pinili ang ibang babae kaisa ayusin ang pamilya mga lalake talaga.”

Iiwan ka din nyan pagkatapos anakan o nagsawa na sayo. Hay naku enjoy2x lang for now. Okay lang yan ganun talaga we need to have fun but some people it’s all about fun,”

“Sana yan na mging forever mo po nkakahinayang nga lng sila ni kylie kasi bagay na bagay sila.”

“They both happy and inlove. pag aralan nyo rin wag makialam sa buhay ng iba dahil di ka din naman perpect.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …