Sunday , May 11 2025
Prince Carlos Aga Muhlach

Newbie actor nahihiyang i-claim na hawig ni Aga

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

NAPAKA-DISENTENG kausap ni Prince Carlos, isa sa mga Sparkle artist na very soon ay mapapanood sa mga Regal project sa kolaborasyon sa GMA 7.

Graduate ng St. Benilde ang guwapong binata na may anggulong hawig kay Aga Muhlach noong bagets days nito.

“May mga nagsasabi nga po, pero sobrang nakahihiya na i-claim,” ang natatawang sagot ni Prince sa naturang obserbasyon.

Dating MILO endorser si Prince noong bata pa siya at ng lumaki na nga ay naging basketball athlete habang nagmomodelo on the side bago siya nag-decide mag-showbiz.

Childhood dream ko po talaga ang maging artista. Kaya sure ako na ito ang gusto kong gawing career,” sey nito. “Hmmm, in the next five years?,” sabay sagot nito sa tanong namin kung ilang taon ang ibinibigay niya sa sarili to hit it big in the industry.

Ilan sa mga nagawa na ni Prince ang Daddy’s Gurl, Boys of Summer ng GMA 7, ang movie na The Vigil, at mga Regal Studio Presents show, na very soon nga may mga bagong project kasama si Prince.

Good Luck Prince and Congratulations.

About Ambet Nabus

Check Also

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …

Bam Aquino Dingdong Dantes

Dingdong Dantes: volunteer na ni Bam Aquino mula noong 2013

NAGPAHAYAG si Dingdong Dantes ng buong suporta sa kaibigan na si dating senador at independent senatorial candidate Bam Aquino, …

Ralph dela Paz

Ralph Dela Paz sunod-sunod ang proyekto

MATABILni John Fontanilla SUNOD-SUNOD ang pelikula ni Ralph dela Paz matapos bumida sa advocacy film …

Alden Richards Tom Cruise

Alden Richards sobra ang katuwaan nang makita si Tom Cruise  

MATABILni John Fontanilla KITANG-KITA ang katuwaan kay Alden Richards nang makaharap ng personal ang  Hollywood …

Lani Misalucha

Lani balik-concert stage para sa isang timeless music at artistic excellence

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAITUTURING na grand comeback ang pagbabalik sa concert scene ng Asia’s …