Saturday , December 21 2024
Taxi Japan

Jed dela Vega ng Pinoys Everywhere may panawagan: Mag-ingat sa mga puting plaka sa Japan

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MAY panawagan naman ang ilang mga kaibigan natin sa Japan. 

Ayon sa survey ng isang booking platform, pang-lima ang Japan sa mga paboritong puntahan ng mga Filipinong turista.

Ramdam ng mga turista na ligtas sila, ngunit tulad ng ibang bansa, hindi perpekto ang Japan.

Ang grupong Pinoys Everywhere na samahan ng mga manggagawang Filipino sa Tokyo ay may babala sa mga turistang Pinoy.

“Mag-ingat sana sila sa mga taxi na may puting plaka na kung tawagin sa Japan ay shirotaku. Mga turista ang madalas nabibiktima,” payo ng presidente ng grupo na si Jed dela Vega.

Ayon kay Dela Vega, ang mga legal na taxi sa Japan ay may luntian o kulay berde na plaka.

Kung puti ang plaka, hindi awtorisado ito na pang-negosyo,” payo ni Dela Vega. 

“Halimbawang may aksidente, walang insurance ang pasahero. Maaari pa na madamay sa imbestigasyon kung sakaling may krimen.”

Noong Pebrero, iniulat sa Japan na may mga Hapon at Intsik na nahuli na may negosyong ilegal na taxi service sa Haneda Airport.

Gumagamit sila ng reservation website at app para mangontrata ng turista na nais makatipid.

Natural na pera lamang ang gusto nila,” sabi ni Dela Vega.

Payo ni Dela Vega, tumawag sa Metropolitan Police Department Traffic Investigation Division sa numerong 03-3581-4321 kung sakali mang magka-problema sa ilegal na taxi.

“Gusto naming maging masaya at matiwasay ang pagbisita ng mga Filipino sa Japan,” ani Dela Vega.

O hayan, doble at dagdag ingat po tayo ha, lalo na ‘yung mga kababayan nating nagbabalak mag-tour sa Japan.

About Ambet Nabus

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …