Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carlene Aguilar Jennylyn Mercado Calix

Carlene nagpasalamat sa pagmamahal ni Jen kay Calix

MA at PA
ni Rommel Placente

SOBRANG nagpapasalamat ang aktres at dating beauty queen na si Carleen Aguilar kay Jennylyn Mercado dahil sa unconditional love na ibinibigay nito sa anak nila ng ex na si Dennis Trillo na si Calix.

Nag-post kasi si Jen sa kanyang Instagram ng mga litrato ni Calix na kuha nang lumaban sa isang fencing competition.

Kalakip nito ang birthday greeting para sa kanyang stepson na nagdiwang nga ng 17th birthday kamakailan.

Happy birthday, Kuya Calix! May all your wishes come true today and every day. We love you!” caption ng Kapuso actress sa kanyang IG post.

Sa comment section ay nag-iwan ng message si Carlene at nagpasalamat kay Jennylyn dahil sa pagmamahal at pag-aalaga kay Calix na parang tunay na ina.

Thank you Mommy Jen for loving Calix as your own,” sabi ni Carlene.

Tulad ni Dennis, may sarili na ring pamilya si Carlene pero maayos ang co-parenting agreement nila sa kanilang anak.

Samantala, binati rin ni Dennis si Calix sa kaarawan nito sa pamamagitan ng Instagram na isang video naman ang ibinahagi na naglalaman ng pagsabak ng anak sa fencing competition.

Daisy Siete! Congrats to my panganay, so proud of you, mahal na mahal ka namin! We’re always here for you! Happy Birthday,” message ni Dennis sa anak.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …