Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ogie Diaz Liza Soberano

Ogie Diaz nababahala kay Liza—Sana magising siya sa katotohanan

MA at PA
ni Rommel Placente

HINDI mapigilan ni Ogie Diaz ang mag-alala sa dating alaga na si Liza Soberano dahil sa kasalukuyang nangyayari sa career at sa buhay nito ngayon.

Balita ngang umalis na si Liza sa pangangalaga ng Careless Music ni James Reid. At plano umano nitong magpa-manage sa isang talent management sa USA.

Sabi ni Ogie, “Sana magising na si Liza sa katotohanan, kailangan na niyang magising. Dahil ako kilala ko ‘yung bata na ‘yan. ‘Di ko makalimutan na mabait ‘yang bata na ‘yan. Hindi ko lang alam kung bakit nag-360 degrees na change ang nangyari.

“Alam mo, we are open to changes pero huwag naman ‘yung 360 degrees. Parang hindi na si Liza ‘yun.”

Naniniwala rin si Ogie na hindi lang naman si Liza ang may pakana sa likod ng mga nangyayari bagkus may mga tao na nakai-impluwensiya sa mga sinasabi at nagiging desisyon.

Ako ah, para sa akin, parang iba eh. Parang nadiktahan. Katulad ng vlog niya, hindi ako naniniwalang galing lahat ‘yun kay Liza. ‘yung mga sinabi niyang ‘yun?” sey pa ni Ogie.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …