Thursday , November 21 2024
Safe SIM registration Globe

Safe SIM registration ipinaalala ng Globe

NAGPAALALA ang Globe sa mga customer na sundin ang safe SIM registration procedures sa gitna ng mga naglipanang modus ng mga manloloko.

Halos dalawang taon mula nang naging mandatory ang SIM registration, pero patuloy pa ring lumalabas ang mga bagong paraan ng panloloko na layong makalusot sa SIM Registration Act.

Prioridad ng Globe ang kaligtasan ng aming mga customer. Hinihikayat namin silang maging bahagi ng solusyon laban sa fraud. Ang ating first line of defense laban sa mga scammer ay ang ating mga sarili.  Kaya’t dapat sundin ang mga personal safety practices para hindi maging biktima,” ayon kay Eric Tanbauco, Officer-in-Charge (OIC), Consumer Mobile Business ng Globe.

Kaugnay nito nagbigay ng ilang mahalagang gabay na dapat sundin kapag nagre-register ng bagong SIM: Mag-register lamang sa opisyal na SIM registration portal ng Globe. May mga pekeng website na nagpapanggap na opisyal na portal ng Globe. Maaaring ma-access sa link na ito:https://new.globe.com.ph/simreg. Maaari rin mag-register ng SIM sa GlobeOne app.; I-register ang sariling SIM. Para maprotektahan ang inyong data. Mag-ingat sa mga alok na SIM registration assistance online. Ang pag-register ng SIM ay walang bayad.Mag-ingat sa mga SIM na may tampered SIM packaging. May ilang frausters na nagbebenta ng mga lumang SIM na may tampered SIM packaging.; Huwag bumili o magbenta ng pre-registered SIMs. Ilegal ang pagpapabayad para irehistro ng ibang tao sa ilalim ng sariling pangalan. Huwag ipagamit ang sarili para sa pre-registration o kaya ay bumili ng pre-registered SIM. Ayon sa Section 11 ng SIM Registration Act, ang mga mapatunayang nagkasala sa pagbebenta o paglilipat ng registered SIM ay maaaring mapatawan ng kulong mula anim na buwan hanggang anim na taon at/o multang mula Php 100,000 hanggang Php 300,000.

Layunin ng Globe na matiyak na lahat ng customer ay may access sa secure at maaasahang telecommunications services. Sa pagsunod sa mga gabay na ito, maaaring makatulong ang mga customer sa paglikha ng mas ligtas na mobile environment para sa lahat.

About hataw tabloid

Check Also

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

Huwag Mo Kong Iwan Rhian Ramos JC de Vera Tom Rodriguez

Huwag Mo ‘Kong Iwan nina Rhian, JC, at Tom, mapapanood na sa Nov. 27

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAPAPANOOD na next week ang family drama movie na Huwag …

112024 Hataw Frontpage

Sa nilustay na pondo ng OVP sa loob ng 11 araw
P1-M PATONG SA ULO VS ‘MARY GRACE PIATTOS’
 Eksperto sa sulat-kamay kailangan

PLANO ng House panel na nag-iimbestiga sa sinabing hindi maayos na paggasta sa confidential funds …