Saturday , December 21 2024
Lilo Eigenmann Alipayao

Andi ibinandera galing ni Lilo sa pagse-surf

MA at PA
ni Rommel Placente

BINUWELTAHAN ni Andi Eigenmann ang mga pumupuna sa pagpapalaki sa kanyang mga anak, lalo na kay Lilo.

Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ibinandera ng aktres ang video ng anak na babae na mag-isang nagse-surf sa kabila ng murang edad.

Kalakip niyan ang kanyang caption na tungkol sa isang unsolicited advice na ang sabi ay dapat ipasok sa paaralan ang kanyang anak imbes na puro pagse-surf ang inaatupag. 

Someone somewhere on the internet told us to put her in school instead of letting her surf,” wika ni Andi.

Ang sagot ni Andi, “doing both, and excelling in both. Thanks very much.

Sa isang separate post sa IG, proud na ibinahagi ni Andi ang husay ni Lilo sa nasabing water sports.

Our [five-year-old] Lilo taking on bigger waves by the day. Always smiling amidst these wipeouts too,” caption ng dating aktres.

Kuwento pa niya, “They choose to start most of their mornings this way. A surf sesh, skate sesh or just a nice walk outside with papa (Philmar Alipayao) and the dogs.

“It’s a good way to get her energized and in the mood for some kindergarten activities at home afterward,” aniya pa.

About Rommel Placente

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …