Sunday , November 24 2024

Wanted: Mario Dela Cruz ( Dead or Alive ) (Part 39)

UMUWING LASING NA NAMAN SI MANG PILO NA LABIS NA IKINAGALIT NI ALING OSANG

“Tumatanda kang paurong,” simangot ni Aling Osang sa mister na naupong pasandal sa dingding ng barung-barong.  “Buti ‘ala tayong anak. Kung me anak tayo, pa’ano na? Konting kita, ipinang-iinom pa.”

Tinakpan ni Mang Pilo ng palad ang magkabilang tainga upang hindi makulili ang pandinig sa pagbubusa ni Aling Osang.  Ngunit ang tunay na dahilan sa napapadalas na paglalasing ay isinisigaw ng konsiyensiya nito sa pagmulat pa lang ng mga mata.

Lunes na uli. Inagapan ni Mang Pilo ang pagdalo sa korte. Mag-aalas-nuwebe lang ng umaga ay nasa mahabang upuan na ito sa labas ng sala ng hukom na didinig sa kaso ni Mario.

Nakaposas ang mga kamay ni Mario, inieskortan ng dalawang bagitong pulis na galamay ni Sarge. Kaagapay niya sa paglalakad ang asawang si Delia.Walang kaimik-imik ang kanyang maybahay. Nasusulyapan niyang pandalas ang pagbabasa nito ng laway sa mga labi na pagkaraa’y mariing itinitiim. Si Sarge, gaya ng dalawang kasama, ay kumpleto ang suot na uniporme. Nangunguna ito sa paglalakad sa unahan ni Mario na mistulang isang magilas na kadete na nasa parada.

Pumasok pa lang si Mario sa sala ng huwes na lilitis sa kanyang kaso ay nagpalinga-linga na siya.  Hindi pa niya namamataan si Atorni Lando Jr. (Itutuloy)

Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *