Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
AJ Raval Aljur Abrenica

AJ tiwala kay Aljur pambababae isasantabi

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ng mag-amang Jeric at AJ Raval sa YouTube channel ni Julius Babao, napag-usapn ang tungkol sa pagiging womanizer noon ng aktor. 

Kasunod nito ay tinanong ni Julius si  AJ, “Paano kung gawin din ni Aljur (Abrenica) ang ginawa ni Jeric?”

Tila nabigla si AJ sa tanong ni Julius at ipinasa niya ang tanony sa kanyang ama.

Ako kasi, ang tinitingnan ko sa lalaki para sa magiging anak ko ay pagiging responsable kasi maraming lalaki ang naging babaero na inabandona na ‘yung pamilya eh. Mayroon naman akong mga kakilala na babaero rin, pero napakabait,” sey ni Jeric.

Muli namang ibinaling ni Julius kay AJ ‘yung tanong, at ito ang naging sagot sa kanya ng aktres, “Siguro kung dumating sa point na ganoon, siguro sisisihin ko ‘yung sarili ko. Siyempre, kung saan ako nagkulang, kung naging maayos ba akong partner, naging nagger ba ako, nasuportahan ko ba siya noong time na down siya.”

Patuloy niya, “Pero ngayon, confident ako na hindi niya gagawin sa akin ‘yun kasi maganda ‘yung dynamic namin ngayon eh.

“And of course galing na siya sa pagkakamali at sinasabi niya na natuto na siya,” sabi pa ni AJ.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …