Saturday , December 21 2024

74-anyos lolo, nawalan na ng wallet at cellphone, ikinulong pa

YANIG
ni Bong Ramos

KAHABAG-HABAG ang sinapit ng isang 74-anyos Lolo na matapos mawala ang wallet at cellphone sa isang fastfood chain ay ikinulong pa sa Antipolo police station.

Ang Lolo na isang banyagang Amerikano ay kinilalang si John Clifton ng Palmera Subdivision, Antipolo city na hanggang sa kasalukuyan ay naka-kulong pa rin sa nasabing estasyon. Siya ay napag-alaman din na makalilimutin at may oras na nag-uulyanin na dahil sa edad.

Siya ay kinasuhan ng Act of Lasciviousness, na dahilan ng kanyang pagkakapiit na hindi naman maipaliwanag ng investigator on case na si PO1 Guadalupe ng Women’s Desk kung paano naganap ang insidente at kung ano ang naging basehan ng kaso.

Ayon kay Clifton, napilitan siyang lumapit sa ilang mga customer ng Cherry Foodmart dahil wala siyang pambayad sa kanyang inorder sa nasabing food chain.

Bukod dito ay wala na rin siyang pasahe pauwi dahil nga nawala ang kanyang wallet at cellphone na umano’y nasalisihan nang siya ay tumayo sa kanyang mesa patungong counter.

Isang 26-anyos babae aniya ang kanyang nilapitan ang nagpahiram sa kanya ng P200 na labis niyang ikinagalak.

Dahil nga sa sobrang tuwa at bilang tanda ng pasasalamat, nahawakan daw niya ang braso at nahimas din niya ang buhok ng babaeng tumulong sa kanya.

Ito raw ang naging basehan upang siya ay kasuhan ng Act of Lasciviousness. Wala naman daw naganap na panghihipo sa maselang parte ng katawan ng babae.

Imposibleng hipuan daw niya ang babaeng tumulong sa kanya dahil sa rami ng mga tao sa nasabing food chain. Malakas daw ang kanyang kutob na kakontsaba ng mga pulis ang babae at mukhang scripted at set-up daw ang naging mga kaganapan.

Hinihingi namin ang investigation report ng imbestigador na si PO3 Guadalupe ngunit wala siyang maipakita sa ‘di malamang dahilan.

Nai-forward na raw niya sa Fiscal ngunit wala pa rin daw kasong ibinababa samantalang mahigit isang linggo nang nakapiit.

Masyadong mahiwaga ang mga kaganapan nang biglang tumawag ng piyansador si Guadalupe para sa nasabing kaso na nauna pa sa kumpas ng Fiscal.

Para hindi na maabala, sinabi ng asawa nj Clifton na nagbigay sila ng piyansang P15,000 sa surety bond para sa nasabing kaso at para sa temporary liberty ng kanyang asawa ngunit dalawang linggo na ang lumipas ay nakakulong pa rin ang kanyang asawa, anyare?

Sinasabi ng piyansador at ng mga police na wala pa raw information sheet na natatanggap ang fiscal kung kaya’t hindi pa mai-release, e kanino ba manggagaling ang information sheet?

Magulo at tila pinapaikot ng kung sino-sinong tao ang kaso ni Lolo Clifton na halos isang buwan nang nakakulong.

Wala rin naman ipinapakitang inquest proceedings ang imbestigador kung kaya’t ‘di malaman kung talagang ipinilit ang kaso at ‘niraket’ ang ibinayad na piyansang ‘di malaman kung sino ang tumanggap.

Nag-aalala na ang asawa ni Clifton na baka raw atakehin sa puso dahil sa sobrang stress at init sa loob ng selda gayong 74-anyos na.

Mantakin ninyong mahigit dalawang linggo nang piyansado ang akusado ngunit hanggang sa kasalukuyan ay nakakulong pa rin?

May impormasyon tayong nakuha na usong-uso raw talaga sa Antipolo City ang budol-budol partikular sa mga mall at mga sikat na fastfood chain.

May posibilidad daw talaga na may connivance ang ilang mga pulis at miyembro ng budol-budol gang dahil doon na rin mismo nagkakaroon ng arestohan sa pagitan ng mga pulis at mga taong kakasuhan nila kuno, ganoon kabilis na parang naka-stand-by lang ang mga operatiba.

Sa kalagayan ng imbestigador na si lihim ng Guadalupe, maaaring siya na rin ang gumanap na arresting officer ni Lolo.

Madalas daw maganap ang ganitong klase ng insidente sa Antipolo city dahil maraming turista ang dumarayo dito na madaling gawan ng script at eksena.

About Bong Ramos

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …