KINONDENA ng Desaparecidos (Families of the Disappeared for Justice) ang pagbabawal na ipalabas sa mga komersiyal na sinehan ang award-winning documentary film na “Alipato at Muog” base sa X-rating na ipinataw ng Movies and Television Ratings and Classification Board (MTRCB).
Ang Alipato at Muog ay tungkol sa pagkawala ng aktibistang si Jonas Burgos noong 28 April 2007.
Inanyayahan ng Desaparecidos na panoorin ang “Alipato at Muog” sa gaganaping special screening sa UP Film Center sa Diliman, Quezon City ngayong hapon dakong 5:00 pm.
Ang pelikula, sa direksiyon ng kapatid ni Jonas na si JL Burgos, ay pinatawan ng X-rating ng MTRCB, na nagbabawal na ipalabas ito sa mga komersiyal na sinehan sa buong bansa.