MA at PA
ni Rommel Placente
DUMALO kami sa huling pagpapalabas ng mga kalahok na pelikula sa Cinemalaya 2024 sa Ayala mall Manila Bay nitong Sabado. Closing Film ang classic movie ng yumaong si Direk Lino Brocka na Bona, na pinagbidahan ng National Artist na si Nora Aunor, katambal si Phillip Salvador.
Ang Bona ay isa sa mga pelikulang kalahok noong 1980 sa Metro Manila Film Festival.
Apat na sinehan na sabay-sabay pinalabas ang restored 4k version ng Bona. At present doon sina Ate Guy at Ipe.
Nakatutuwa si Ate Guy, dahil kahit may sakit, na naka-wheel chair nang dumating sa sinehan, ay talagang naglaan ng oras para puntahan ang pagpapalabas ng kanyang pelikula.
At nakatutuwa rin ang mga Noranian, dahil ipinakita nilang muli ang pagmamahal nila sa kanilang idolo dahil nanood/sinuportahann nila ang Bona.
At after ng pelikula ay standing ovation sila at nagpalakpakan.
Ilang beses na naming napanood ang pelikula sa telebisyon. At kaya namin muling pinanood ay dahil gusto namin ang pelikula. Simple lang ang istorya nito pero talagang maganda. At mahusay dito si Ate Guy.
Masasabi namin na ang Bona, ang isa sa pinakamagandang pelikula na nagawa ni Ate Guy.
At ang ganda-ganda niya sa movie, huh!