Wednesday , January 15 2025
Honey Lacuna Martin Romualdez Lakas-CMD
SOLID SUPPORT. Pinangasiwaan ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagpapanumpa kay Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Honrado Lacuna-Pangan bilang bagong miyembro ng Lakas-CMD sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Social Hall ng Speaker’s Office sa House of Representatives na sinaksihan nina Manila Vice Mayor Yul Servo-Nieto, gayondin sina Manila Congressman Irwin Tieng (5th District), Joel Chua (3rd District), Edward Maceda (4th District), Rolando “Rolan” Valeriano (2nd District), at Bienvenido Abante (6th District) at mga konsehal na nagsilbing saksi at ipinakita ang kanilang suporta sa panunumpa ni Lacuna bilang bagong miyembro ng Lakas-CMD.

Mayor Honey, Lakas-CMD na

SUMAPI na sa Lakas-Christian Muslim Democratcs (Lakas-CMD) na pinamumunuan ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan, presidente ng ruling local party sa Maynila, na Asenso Manileño”.

Ang Lakas-CMD ang pinakamalaking political party sa Congress at sa bansa ngayon, ayon sa lady mayor.

Aniya, napakalaki ng maitutulong upang lumakas pa ang kanyang mga programa para sa residente ng kabiserang lungsod ng bansa.

“Nagpapasalamat po ako sa tiwalang ibinigay nila at sa pagtanggap sa akin bilang bagong kasapi ng partidong LAKAS sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez. Umaasa ako sa mga makabuluhang mga proyekto at programa na mapagtutulungan namin ng LAKAS para sa Lungsod ng Maynila na ikabubuti ng bawat Manileño,” dagdag ng alkalde.

Lima sa anim na congressmen ng Maynila na sina Rep. Joel R. Chua, Rep. Bienvenido Abante, Jr., Rep. Rolando Valeriano, Rep. Irwin Tieng, at Rep. Edward Maceda, ang sumaksi kabilang na si Vice Mayor Yul Servo, sa panunumpa ni Lacuna bilang bagong kasapi ng Lakas na mismong si Speaker Romualdez, Presidente ng Lakas-CMD ang nagpanumpa sa lady mayor.

Naroon sa simpleng seremonyang ginawa sa Social Hall ng Speaker’s Office sa House of Representatives noong Martes ng hapon ang mga Asenso Manileño councilors.

Sa isang pahayag, sinabi ni Lacuna na sumapi siya sa Lakas “because its party principles and platform are aligned with mine and will ultimately be most gainful for all Manileños.”

Aniya, “I am grateful to my partner, Vice Mayor Yul Servo-Nieto, to our five Manila congressmen and the 21-strong majority councilors for their steadfast support and loyalty,” dagdag ni Lacuna.

Sa bahagi ni Romualdez, mainit niyang tinatanggap si Lacuna sa Lakas-CMD, at sinabing karangalan para sa partido ang alkalde at sinabi pa na ang lady mayor ay: “would provide significant contributions in upholding the principles and objectives of Lakas-CMD, reinforcing the party’s dedication to serving the Filipino people.”

Binanggit ni Romualdez ang leadership, experience, at commitment ni Lacuna na magsilbi sa kanyang nasasakupan.

“Greatly enhance our collective efforts to support the Agenda for Prosperity of President Ferdinand R. Marcos, Jr., and his vision for ‘Bagong Pilipinas’,” ani Lacuna.

Binigyang diin ni Romualdez, ang strategic importance ng mga bagong miyembro ng partido sa suporta sa mga programa at polisiya ng Pangulo.

Si Lacuna ay gumawa ng kasaysayan bilang

kauna-unahang babaeng alkalde ng Maynila noong 2022, kung kailan siya nanalo ng may napakalaking agwat sa kanyang kalaban na nabibilang sa isang malaking pamilyang politikal sa Maynila.

Samantala, ang partidong pinamumunuan ni Lacuna na Asenso Manileño, ay nakakopo ng halos lahat ng elective seats mula mayor, vice mayor, congressmen at city councilors. (BS)

About Bong Son

Check Also

Arrest Caloocan

2 holdaper timbog sa Caloocan

ARESTADO ang dalawang hinihinalang holdaper sa ikinasang follow-up operation ng mga awtoridad sa 8th Ave., …

Cold Temperature

Baguio temp bumagsak sa 13.8 degrees Celsius

LALONG bumaba ang temperatura sa lungsod ng Baguio nang umabot ito nitong Lunes, 13 Enero, …

Iglesia ni Cristo INC PEACE RALLY Quirino Grandstand

Sa Quirino Grandstand sa Maynila
HIGIT 1.5-M MIYEMBRO NG INC NAGTIPON PARA SA ‘PEACE RALLY’

UMABOT sa higit 1.5 milyong kasapi at tagasuporta ng Iglesia ni Cristo (INC) ang nagtipon …

011425 Hataw Frontpage

4-ANYOS NENE, AMA NATAGPUANG PATAY SA ISANG MAKATI CONDO  
Murder-suicide tinitingnang anggulo

NATAGPUANG wala nang buhay ang isang 22-anyos lalaki at kaniyang 4-anyos anak na babae sa …

Chavit Singson Vbank VLive

Manong Chavit pinahalagahan kalusugan, pagtakbong senador iniatras

“MGA kaibigan, mahalaga na maayos ang kalusugan para magpatuloy ako sa pagtulong at magbigay ng …