Friday , February 7 2025
Cold Temperature

Baguio temp bumagsak sa 13.8 degrees Celsius

LALONG bumaba ang temperatura sa lungsod ng Baguio nang umabot ito nitong Lunes, 13 Enero, sa 13.8 degrees Celsius.

Sa nakalipas na linggo, umabot sa 14 degrees Celcius ang temperatura sa “Summer Capital of the Philippines.”

Ayon sa PAGASA, inaaasahang lalo pang babagsak ang temperatura sa lungsod sa mga susunod na araw dahil sa patuloy na paglakas ng Amihan sa Northern Luzon.

Bukod sa lungsod ng Baguio, bumagsak rin ang temperatura sa Itbayat, Batanes na umabot sa 17.5 degrees Celcius.

Nananatiling nasa 20 degrees pababa ang mga temperatura sa Casiguran, Aurora; Tanay, Rizal; Abucay, Bataan; Calayan, Cagayan; Baler, Aurora; Sinait, Ilocos Sur; Tuguegarao City, Cagayan, pawang sa Luzon; at Malaybalay, Bukidnon sa Mindanao.

Posibleng magpapatuloy ang malamig na panahon hanggang sa Pebrero at Marso, kasabay ng patuloy na pag-iral ng Amihan.

About hataw tabloid

Check Also

020725 Hataw Frontpage

Habang naka-recess ang Kongreso  
WALANG IMPEACHMENT TRIAL — ESCUDERO

ni NIÑO ACLAN NANINDIGAN si Senate President Francis “Chiz” Escudero na walang magaganap na paglilitis …

Bulacan Police PNP

Puganteng rapist tiklo

NASAKOTE ng mga operatiba ng PRO3 ang isang lalaking nakatalang high-profile na pugante sa manhunt …

Mga mangingisda sa Bulacan tumanggap ng suportang pangkabuhayan mula sa BFAR

Mga mangingisda sa Bulacan tumanggap ng suportang pangkabuhayan mula sa BFAR

SA PAGTUTULUNGAN ng Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources 3 at …

Sara Duterte

Impeachment complaint laban kay VP Sara natanggap ng Senado

OPISYAL na tinanggap ng Senado ang impeachment complaint mula sa Mababang Kapulungan ng Kongeso laban …

Kathryn Bernardo Joshua Garcia TNT

Kathryn, Joshua pinasaya masusuwerteng TNT KaTropa

MASAYA ang pagpasok ng taon para sa limang masuwerteng TNT subscriber na nakahalubilo ang mga KaTropang sina Kathryn …