Friday , February 7 2025
Palawan Gold

Mamuhunan ngayong 2025 sa Palawan Gold

PARA masiguro ang financial freedom at maaliwalas na kinabukasan, isang malaking desisyon ang mamuhunan sa taong 2025. Kung nahihirapang mamili ng paglalaaanan ng naipong pera, bigyan pansin ang oportunidad sa Palawan Gold.

Hindi maikakaila na ang ginto ay isang ‘asset’ na maasahan sa anumang pagbabago ng panahon, sa oras ng kagipitan at agarang pangangailangan dahil ang ginto ay hindi naapektuhan maging sa pagtaas o pagbaba ng peso laban sa dolyar.

Sa Palawan Gold makatitiyak na ligtas ang iyong puhunan, maasahan, mapagkakatiwalaan, at walang limitasyon na kailangang tapusin. Ang pamumuhunan sa ginto, higit sa kumpanyang kilala at maasahan na tulad ng Palawan Pawnshop, makasisiguro ng katiwasayan at kasaganahan ang mamumuhunan hanggang sa kanyang mga anak at kaapo-apuihan.

Halaga ng ginto ay walang-hanggan

ANG halaga ng ginto ay patuloy na tumataas sa merkado hindi lamang sa Pilipinas bagkus sa buong mundo, dahilan upang maging isang matalinong desisyon ang mamuhunan dito. Taliwas sa halaga ng pera na madaling bumaba ang value sa panahon ng inflation, ang halaga ng ginto ay patuloy sa pagtaas sa merkado.

Sa isang pag-aaral sa pagkilos ng presyo ng ginto kada gramo sa Pilipinas mula 2014 hanggang 2024, impresibo ang pagtaas sa kabuuang 194.22%.  Mula sa preysong ₱1,500 kada gramo noong 2014, ang presyo ng ginto ay sumirit sa halagang ₱5,000 kada gramo nitong 2024. Ang matinding pagtaas sa halaga ng ginto ay naitala sa taong 2020.

Ang tuloy-tuloy na pagtaas ng halaga ng ginto ay patunay nang pagkakaroon ng seguridad sa mga namumuhunan sa ginto, higit sa mahabang panahong pamumuhunan.

Sa inaasahang higit pang pagtaas ng halaga ng ginto, hindi maipassusubali ang kahalagaan nito para sa nagnanais na magkaroon ng maasahang kita sa kanilang invetment sa taong 2025.

Simulang mamuhunan sa Palawan Gold

PARA simulan ang pamumuhunan sa 2025, magtungo sa pinakamalapit na  Palawan Pawnshop at personal na suriin ang mga de kalidad at mataas na uri ng ginto. Makasisigurado sa Palawan Pawnshop na mabibili ang Palawan Gold na 24k gold coins at bars na 99.9% ang uri at kalidad.

Ang mga Suki Card holders at  PalawanPay users ay mabibigyan pa ng ₱50 pesos na diskwento kada gramo. Ang “Bili Sangla” option ay magbibigay naman nang mababang 10% down payment. Ang pamumuhunan sa Palawan Gold ay bukas sa mahigit 600 sangay ng Palawan Pawnshop sa buong bansa gayundin sa PalawanPay App.

Bagito man sa pagnenegosyo o nagnanais na palawigin pa ang pamumuhunan, makakasa na sa Palawan Gold, ang puhunan ay ligtas at sigurado para sa oportunidad na mapaunlad ang pinaghirapang ipon.

Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa anumang sangay ng Palawan Pawnshop, i-download ang PalawanPay App, o tignan ang official Facebook page ng Palawan Pawnshop para makakuha ng ideya sa ibinibidang 24K Palawan Gold collection. Huwag nang magpatumpik-tumpik, magdesisyon ng tama at ilagay sa ligtas na  pamumuhunan ang naipong pera para sa masaganang taong 2025.

About hataw tabloid

Check Also

020725 Hataw Frontpage

Habang naka-recess ang Kongreso  
WALANG IMPEACHMENT TRIAL — ESCUDERO

ni NIÑO ACLAN NANINDIGAN si Senate President Francis “Chiz” Escudero na walang magaganap na paglilitis …

Sara Duterte

Impeachment complaint laban kay VP Sara natanggap ng Senado

OPISYAL na tinanggap ng Senado ang impeachment complaint mula sa Mababang Kapulungan ng Kongeso laban …

Kathryn Bernardo Joshua Garcia TNT

Kathryn, Joshua pinasaya masusuwerteng TNT KaTropa

MASAYA ang pagpasok ng taon para sa limang masuwerteng TNT subscriber na nakahalubilo ang mga KaTropang sina Kathryn …

Krystall Herbal Oil

Hilot-Krystall paborito ng lolo ng isang OFW

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Flagship ng ICTSI FIRST NEAR-ZERO EMISSION RTGs SA PH

Flagship ng ICTSI
FIRST NEAR-ZERO EMISSION RTGs SA PH

GUMAWA ng isang makabuluhang hakbang ang Manila International Container Terminal (MICT), flagship operation ng International …