Wednesday , January 15 2025

Caloy “The Champ” tantanan na!

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

NAKABUBUWISIT ang ilang kasamahan sa hanapbuhay.

Okey na sana ang pagpapalabas sa kanilang programa sa telebisyon at radyo tungkol sa tagumpay ni Carlos “Caloy” Yulo – The Champ kaugnay sa pagtatayo sa bandila ng mahal nating Filipinas sa 2024 Olympics na ginaganap ngayon sa Paris (France) pero hayun pinagpipiyestahan pa ang buhay ni Caloy.

Marahil tukoy na ninyo ang ibig natin sabihin, mga kababayan. Hindi ba sapat na ipalabas sa program ang hinggil sa hirap na dinanas ni Caloy para makuha ang dalawang gintong medalya sa Olympic?

Kung susuriin ang ginagawa nitong ilang mamamahayag, imbes makontento o ipaalam sa bansa ang hirap ni Caloy sa pagsasanay simula noong bata pa siya, aba’y pati ang personal na buhay ng bata ay pinakikialamaan.

Oo, pinakikialaaman para lamang masabing may kakaiba silang istorya kaugnay kay Cloy – exclusive daw. Buwisit!

Tama ba iyong pakialaman ang buhay ng bata – personal na problema sa pamilya habang abala si Champ sa Paris para sa bansa – para masungkit ang mga ginto?

Kung inaakala ng mga naglalabas ng isyu patungkol sa problema ni Caloy sa kanyang Nanay ay nakatutulong sila kay Caloy, hindi kayo nakatutulong at sa halip ay inyo pang iniistorbo o ini-stresss ang bata.

Sa tingin n’yo ba, iyang exclusive ninyo ay makatutulong at makapagbibigay lakas kay Caloy sa Olympics? Hindi!

Tanging nakikita nating tulong sa isyu ay para lang masabing kakaiba ang news item ng ilang programa sa telebisyon, radyo o maisulat sa pahayagan… kung baga sila ang magbe-benefit – ang kanilang kompanya.

Oo pansariling interes lang ang iniisip ng mga tumatalakay o nakikialam sa personal na buhay o problema ni Caloy.

Tantanan n’yo na si The Champ.

Hindi ba sapat na talakayin nang talakayin ang dalawang gintong medalya ni Caloy. Hindi ba sapat na talakayin ang simula ng buhay ni Caloy bilang athlete?

Mga buwisit kayo! Para lamang masabing kakaiba ang inyong istorya ay kung ano-ano ang inyong pinakikialaman.

Sige, sabihin nang public figure na si Caloy, pero tama bang itaon ang pagtalakay sa ‘kabilang mundo’ ni The Champ? Itinataon pa ninyo habang nakapokus si Caloy sa laro niya sa Olympics.

Marahil, sinasabing hindi naman si Caloy ang pinupuntirya at sa halip ay ang kanyang Nanay. Sige, ipagpalagay natin na ganoon nga ang layunin pero, sa tingin n’yo ba ay hindi naapektohan si Caloy?

Respetohin naman natin si Champ, por favor. Bigyan siya ng privacy. Huwag pulos kita o interes ng kompanya ang isipin. Nasaan ang delicadeza ninyo… masyadong unethical iyang pakikialaman ang buhay nang may buhay.

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 100-araw ni Col. Buslig sa QCPD, krimen patuloy sa pagbaba

AKSYON AGADni Almar Danguilan ENERO 11, 2025, ang unang isandaang araw ni PCol. Melecio M …

Dragon Lady Amor Virata

Pulis na private security ng mga kandidato, ipinasisibak

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MGA kandidato sa 2025 elections na may mga banta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC-LGU, may paaginaldo pa sa QCitizens

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAPOS na ang Pasko…at heto nga Bagong Taon — 2025 na, …

Firing Line Robert Roque

Renovation na karapat-dapat

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUMASAILALIM ngayon ang Rizal Memorial Sports Complex, isang makabuluhang …

YANIG ni Bong Ramos

Another year over, a new one just begun

YANIGni Bong Ramos WAGI at napagtagumpayan nating tapusin at lagpasan ang lumipas na taon 2024 …