Thursday , June 25 2026
2 bigtime pusher dinakip ng QCPD sa P1.3-M shabu

2 bigtime pusher  dinakip ng QCPD sa P1.3-M shabu

DINAKIP ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Cubao Police Station 7, ang dalawang pinaghihinalahang bigtime drug pusher makaraang makompiskahan ng P1,360,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation kahapon.

Sa ulat kay QCPD Director PCol. Melecio M. Buslig, Jr., mula kay PLt. Col. Ramon Czar Solas, Station Commander ng PS 7, kinilala ang mga nadakip na sina Ericka Joy Sibog, 24 anyos, at Jonathan De Leon, 22 anyos, kapwa residente sa Brgy. Bambang, Angeles City, Pampanga.

Sa imbestigasyon, bandang 7:10 am, 29 Nobyembre 2024, nang magsagawa ng operasyon ang  PS 7 malapit sa isang motel sa EDSA Southbound, Brgy. San Martin de Porres, Cubao, Quezon City.

Nagpanggap na buyer ang isang pulis nang makipagtransaksiyon sa mga suspek na tulak ng shabu na nagkakahalasga ng P50,000.

Nang magkaabutan ng produkto at bayaran, nagbigay ng hudyat ang pulis sa mga kasamahang operatiba at saka dinakma ang dalawang suspek.

Nasamsam sa dalawang suspek ang 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,360,000.00, dalawang  cellular phones, at ang buybust money.

Sasampahan ang mga suspek ng mga kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang  Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“Binabati ko ang mga operatiba ng PS 7 sa pamumuno ni PLt. Col. Ramon Czar Solas para sa tagumpay na ito. Ipagpapatuloy natin ang ating masigasig na kampanya laban sa ilegal na droga upang tuluyan itong mapuksa at makamit ang isang drug-free na lungsod — hindi lamang sa Quezon City, kundi sa buong Metro Manila,” saad ni P/Col. Buslig, Jr. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Insta360 Luna Ultra 1

Insta360 Launches Luna Ultra and Expands Retail Presence Across the Philippines
Leica Co-Engineered Gimbal Camera Leads Brand’s Growth to 50 Stores Nationwide

Insta360 officially introduced the Luna Ultra in the Philippines, marking the brand’s entry into the …

Mini-casino sa peryahan sa Bulacan at Pampanga, untouchables

Mukhang tigasin ang mga operator ng dalawang peryahan na matatagpuan sa Lias, Marilao, Bulacan at …

Camille Villar

Villar nanawagan
Mas matibay na seguridad, pinalawak na suporta para sa kalusugang pangkaisipan

NAGPAHAYAG si Senator Camille Villar ng matinding kalungkutan at pag-aalala kaugnay ng trahedyang pamamaril sa …

Multinational Village HOA DHSUD

DHSUD sinugod
Multinational Village residents nagsumbong kay Sec. Aliling Overstaying HOA officers patalsikin

SUMUGOD sa tanggapan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang mga residente …

Nartatez PNP

2 pulis timbog sa rape at pambubugbog ng misis

INARESTO ang dalawang aktibong pulis na may magkahiwalay na kaso ng rape at domestic violence …