MA at PA
ni Rommel Placente
SA guesting ni Sandara Park sa South Korean SBS radio program na Cultwo Show nitong nagdaang July 26, napaiyak siya nang batiin ng mga host at iba pang mga kagrupo sa pagbabalik nila sa music scene.
After eight years ay muling magsasama-sama ang all-female South Korean group na 2NE1 para sa isang bonggang reunion project.
Magaganap ang 2NE1 Concert (Welcome Back) In Seoul sa October 5 at 6 sa Olympic Hall, Olympic Park. Ito ang magsisilbing reunion concert ng grupo after ng All or Nothing show nila sa Seoul noong March, 2014.
Mahalagang bahagi ang Olympic Hall sa journey ng 2NE1 bilang grupo dahil doon din ginanap ang kanilang first-ever concert sa Korea, ang 2NE1 1st Live Concert: Nolza! nong August, 2011.
Sabi ni Sandara, “I’ve really waited for this too, and I’m so happy that I can proudly talk to our fans after eight years.
“Because the news came out and I’ve received congratulations from so many people.”
Ibinalita rin ng tinaguriang Pambansang Krungkrung ng Pilipinas na nagsimula na siya kasama ang iba pang miyembro ng grupo na sina CL, Park Bom, at Minzy, na mag-rehearsal for the concert.
“It’s still like a dream, it’s so good. It feels good, even though it’s so hard to practice. We started practicing this week and we’ve been working hard.
“We’re dancing for seven hours non-stop, and we’re all four working hard because we know this moment is precious. This is what it means to be full even if you don’t eat,” ang sabi pa ni Sandara.