Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PBB Bahay ni Kuya baha

Bahay ni Kuya lumubog din sa baha

HATAWAN
ni Ed de Leon

HAY naku binaha rin ang loob ng Bahay ni Kuya, kaya nga ang mga kasali sa kasalukuyang PBB ay nasa kanilang mga kama hindi sila makababa dahil may tubig nga.

Isipin ninyo iyong lugar na iyon sa likod ng ABS-CBN hindi naman dating binabaha. Noong Ondoy hindi binaha iyon eh pero ngayon lumubog kasi nga hinila pa ng bagyo iyong habagat. Nagpakawala pa ng tubig ang mga dam kaya lalong lumalim ang baha, tapos pagdating ng tag-araw sasabihin naman nila nauubos na ang tubig sa dam kaya may problema na naman.

Dati hindi naman ganyan noong ang NAWASA ay pag-aari pa ng gobyerno pero nang ibenta nila iyan sa pribadong sector ayan na ang problema. Kung may bagyo nagpapakawala sila ng tubig, tama naman dahil mas delikado kung sumabog ang dam. Pero dapat ang pakakawalan ay iyong sapat lang. Hindi pakawala nang pakawala tapos walang tubig sa mga palayan. Paano magmumura ang bigas kung ganyan?

Pero iyon nga binaha ang PBB ewan kung magkakaroon sila ng episode na ang subject ay binaha ang Bahay ni Kuya. Totoo rin ba na nang humupa ang Bahay ni Kuya, siya mismo ay naglampaso sa buong PBB house? Nakakahiya ha.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …