Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Richard Gomez

Richard iniilusyon ng mga bading na magpa-sexy uli

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAKATATAWA may gumawa ng isang survey sa mga bading sa pamamagitan ng internet. Ang question nila ay kung sino ang gusto nilang mapanood sa isang sexy video? 

Nagulat kami dahil ang lumalabas na talagang iniilusyon pa rin ng mga bading na magpa-sexy ulit ay si Congressman Richard Gomez. Mukhang hindi pa rin makalimutan ng mga bading ang mga pagpapa-sexy noon ni Goma noong model pa siya ng isang underwear brand. Batang-bata pa naman noon si Cong at talagang sexy naman.

Ang isa pang ikinagulat  namin ay ang pumangalawa sa survey, ang male model na si Brent Javier. May panahong talagang pantasya siya ng mga bading at noon naman ay kabi-kabila ang mga commercial na ginagawa. Hanggang sa naging model din siya ng underwear sales company. At sexy siya sa mga picture niya roon.

Ngayon mahigit 40 na rin si Brent pero mukhang batambata pa siya. Hindi mo nga sasabihing may 30 na ang edad dahil mukhang nasa 20’s pa rin. Napanatili niyang mukha siyang bata kaya hanggang ngayon siguro ay ilusyon pa rin siya ng mga bading at ng mga babae rin.

Pero nakatatawa ang panahon ngayon ano bakit ba ang mga lalaki ang gusto nilang magpa-sexy ngayon samantalang noong araw, mga babae lamang ang nagpapa-sexy.  Mukhang dahil na rin iyan sa kasalukuyang populasyon. Mas marami kasing babae ngayon kaysa mga lalaki sa buong mundo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …