Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Male Starlet walang maipagmalaking project kahit nakakontrata sa isang kompanya

ni Ed de Leon

ANG bagay nga sigurong project para sa isang male starlet ay “Bata. Bata Wala kang magawa.” Wala naman siyang maipagmalaking project eh kinontrata siya ng isang kompanya ng pelikula pero mahigit na isang taon na wala pa rin siya kahit na isang pelikula. Ang nilalabasan niya ay mga gay internet series lamang na puro naman kahalayan. Nagpo-post din siya ng kung ano-anong out of town shows na wala naman siyang ginagawa kundi sumayaw din ng medyo mahalay at paulit-ulit lamang naman ang musika niyang gamit. Kasi nga wala naman siyang alam na ibang dance steps kundi iyong natutuhan lamang niya sa isang dance workshop noong araw.

Pero magugulat ka ha kasi nakabili na siya ng isang town house na sarili niya at hindi na umuuwi sa bahay nilang lumulubog sa baha, at ang dina-drive niya ngayon ay isang luxury car na hindi biru-biro ang halaga. Hindi mo bibilhin iyon kung hindi ka kumikita ng milyong piso at magkano lang ba ang bayad sa kanya sa mga gay indie?

Kaya iyan ay maliwanag na may illegal na trabaho. Mabuti kung prostitution lamang. Ang matindi ay kung nagtutulak pa iyan ng droga. Kasi hindi na sila masyadong takot ngayon eh wala nang tokhang, at iyong mga nagtokhang naman noong araw ay nanginginig na rin sa nerbiyos ngayon na iniimbestigahan na sila ng ICC. Hindi nila sinasagot ang mga demanda laban sa kanila sa ICC na ginagawa nila. Ginigipit nila ang gobyerno para huwag payagan ang ICC na makapasok sa bansa. Pero hindi man iyan makapasok sa Pilipinas tuloy pa rin ang imbestigasyon niyan at oras na magtungo sila sa abroad, dampot pa rin sila at ang masakit ay ang matinding kahihiyan na mahatulan ka ng ICC dahil sa kawalanghiyaan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …