Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dennis Trillo Jennylyn Mercado Netflix

Dennis at Jen pinasok na pagpo-produce ng pelikula

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAKATUTUWA  ang mga pangyayari, ngayon pala ay magsisimula na ring mag-produce ng mga pelikula sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Siguro nga bilang mga artista ay marami silang idea at maraming naiisip na magagawa para sa industriya, iyon nga lamang wala pa silang kakayahang sumabak sa laban ng pag-gawa ng pelikula kaya ang iniisip nila ay gumawa ng pelikula para sa Netflix. Hindi nga naman ganoon kalaki ang puhunan para sa isang pelikulang pang video streaming lamang, hindi rin nila problema ang marketing ng pelikula, at kung ilalabas sila sa Netflix, hindi lamang sa Pilipinas kundi mapapanood sila sa buong mundo.

Maaaring hindi makuha ang pelikula nila para maipalabas sa sinehan sa abroad pero naroroon ang posibilidad na mapansin ang mga artistang Filipino at makuha sila ng mga dayuhan para sa mga pelikulang kanilang ginagawa. Sa totoo lang, marami tayong mahuhusay na artista pero hindi  makapasok sa industriya sa abroad dahil kulang sila sa exposure.

Ngayon kung gagawa nga naman ng matitinong pelikula at makita sila ng mga film producers doon possible silang makuha. 

Sana magtagumpay sina Dennis at Jen  sa balak nilang iyan. Malaking tulong iyan para sa industriya at sa mga manggagawa sa pelikula dahil magkakaroon sila ng trabaho.

Sa ngayon iyan ang malaking problema ng industriya, maraming manggagawa ang nakatanga lamang dahil wala ngang ginagawang pelikula at wala silang trabaho.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …