Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Julia Montes Charlie Dizon

Julia, Charlie imposibleng i-bash ng Vilmanians

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGSIMULA na naman ang kulto ni Que bulok, bina-bash daw ng mga ViImanian ang mga nanalong best actress sa The EDDYS na sina Julia Montes at Charlie Dizon. Na nakapagtataka dahil matapos ang awards, sunod-sunod na congratulations ang nakita naming ipino-post ng mga Vilmanian. Isa pa wala sila sa posisyong mang-away ng sinumang artista sa kasalukuyan dahil ang mga kapwa artista ni Vilma Santos, lalo na ang mga kasapi sa Aktor Ph ay siyang leading agency na nag-eendoso sa Star for All Seasons para maging National Artist. Bukod sa 20 iba pang mga NGO, mga samahang sibiko at relihiyoso, at mga samahan sa industriya ng pelikula, ang Aktor Ph nga ang nagtipon sa kanila para sa isang unified nomination na isinumite nila sa NCCA at CCP.

Dahil diyan wala sa posisyon ang mga Vilmanian na kalabanin ang sino mang artista sa kasalukuyan. Bukod doon bakit nila iba-bash si Charlie eh hindi ba inaanak sa kasal iyon ni Ate Vi? Ninang siya sa kasal nina Charlie at Carlo Aquino.

Bukod doon sinasabi nga ng mga Vilmanian na bakit nila tututulan ang desisyon ng SPEEd na siyang nagbibigay ng The EDDYS, eh wala namang anomang balita ng anomalya. Malinis ang awards at isa pa si Ate Vi ang kauna-unahang naging best actress sa The Eddys, bukod doon ang mga kasapi ng SPEEd ay nagpakita ng suporta sa AKtor Ph sa kanilang endorsement dito bilang national artist. Iba-bash mo ba ang mga pinagkakautangan mo ng loob?

Maaaring tama nga nalipasan lang siguro ng gutom ang nagsasabi ng ganoon, baka hindi nakabili ng tuyo at tinapa sa kanilang anito kaya kung ano-ano na naman ang sinasabi. Iyan ang mga taong utak talangka na basta may nakitang isang umaangat ay gagawin naman ang lahat para mahila iyon pababa. Sa ganoong paraan lang sila maaaring mangibabaw sa paniwala nila. Ganoon ano man ang gawin nila hindi na makababangon ang que bulok nilang anito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …