Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
vilma santos nora aunor

Noranians ampalayang-ampalaya, ‘di na rin pinakikinggan ang idolo

MUKHANG kahit si Nora Aunor mismo ay hindi na pinakikinggan ng kanyang fans. Noong isang araw, nabalita lang naman, na sinabihan daw ni Nora ang kanyang fans na tigilan na ang kasisira kay Vilma Santos at sa ginagawang nominasyon doon ng mga kapwa nila artista para maging National Artist.

Nagsimula iyan ilang oras lamang matapos ang isang press conference na ipinatawag ng Aktor PH sa Manila Hotel para iharap sa media ang kanilang ginawang pag-eendoso kay Vilma para maging National Artist. Kasabay niyon, iniharap din nila ang 20 iba pang samahan na binubuo ng mga tao sa industriya maliban sa Aktor Ph. Mga kinatawan ng sector ng edukasyon at sining na nag-eendoso rin kay Vilma bilang national artist. Ang Aktor Ph na pinangungunahan ni Dingdong Dantes bilang chairman niyon ay nagharap na  sa NCCA (National Commission for Culture and the Arts). Dahil sa bagay na iyon umingay na lalo ang suporta ng mga kasama sa industriya at ng bayan sa kabuuan para gawaran ng titulong Pambansang Alagad ng SIning.

Natural ampalayang-ampalaya na naman ang mga Noranian. Isang occasional reporter na Noranian ang agad na nag-post sa social media laban doon ilang oras lamang matapos ang presscon na inayunan naman ng iba pang mga reporter na Noranians. Natural sumunod naman ang iba pang fans ni Nora na karamihan ay gumagamit ng multiple accounts sa social media para magmukha silang marami kahit na iilan lamang. Matindi silang manakot, kami nga ay sinabihang ipagtitirik daw ng kandilang itim na hugis tao sa labas ng simbahan ng Quiapo. Talagang kung hindi ka nila magagamitan ng kung ano mang panlaban naniniwala silang makukulam ka nila.

Hindi naman namin pinatulan iyon dahil naisip naming baka magamit pa kami sa promo ng isang indie nila na tungkol sa mangkukulam.

Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila tumitigil. Ang ginagawa nila ay nagpapadala sila ng negative comments sa mga post tungkol kay VIlma, dahil hindi naman sila mapapansin kung sila-sila lang, at ang gamit naman nila ay mga pseudo accounts, hindi nila tunay na pangalan at wala ring detalyeng mapagkakakilanlan ang kanilang accounts. Para silang iyong ipinanganak sa farm.

Pero ano ba ang kanilang mapapala sa ginagawa nila? In the end, lalabas na ang ginagawa nila ay pagpapagod lang at wala rin. Kung iyon ba naman ang ginagawa nila ay pinanonood nila ang pelikula ni Nora ‘di sana kumikita iyon at hindi nire-reject ng mga sinehan. Hindi rin matatakpan ang kanyang mukha sa mga poster ng kanyang pelikula, na ikinubli pa sa picture ni Bianca Umali.

Naniniwala ba ang producers niyon na mas maraming fans si Bianca kaysa kay Nora at mas makababatak ng taong manonood ng pelikula ang picture ng una?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …