Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jinggoy pinuputakte ng mga fake news

HATAWAN
ni Ed de Leon

SIKAT na sikat ngayon sa mga troll si Senador JInggoy Estrada. Mayroong nag-aakusa sa kanya ng pagiging isang Marcos Loyalist dahil umano ay umangat ang pamilya nila dahil mga nanungkulan silang mga opisyal noong panahon ng Martial Law ng mga Marcos.

Ang mas nakatatawa pa, at hindi naman namin mapaniwalaan ay iyong sinasabi ng isang blogger na noon daw makulong si Senador JInggoy sa Crame ay may sinasabing dalawang bagets na dumadalaw sa kanya, at isang taga-San Juan pa raw ang nagtsismis sa blogger na mahilig namang pumutak ng fake news. Iyon ang hindi na namin mapapaniwalaan, iyong sasabihin mong may bahid ang pagkalalaki ni Senador JInggoy? Matagal na naming kakilala iyan at napakalabo ng bintang na iyon ng maingay lang na blogger na kagaya ng kanyang amo na mura nang mura sa kanyang blog. Unang-una alam naman natin kung kanino siyang tauhan. Lahat masama sa kanya basta kalaban ng kanyang amo. Pero ang abuso ng kanyang amo panay ang pagtatakip niya. Iyan ay mga blogger na pabor na pabor din naman sa China.

Iyan ang agad na papayag basta ang PIlipinas ay idineklara na ring isang probinsiya ng China. Balik agad sa kanila si Alice Guo na lumaki sa farm sa Tarlac. Ganoon din si Huang Tzu Yen, ang lider ng maanomalyang Pharmallly na sumikat nang husto noong panahon ng pandemic bilang supplier ng gobyerno, na siyempre over priced lahat.

Naku ewan, kaya nga sinasabi namin sa inyo eh, huwag kayong mapagpaniwala sa mga nasa social media dahil karamihan diyan ang mga kuwento ay medya-medya lang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …