Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gladys Reyes

Gladys Reyes nakakuha ng 2 nominasyon sa 40th Star Awards for Movies

MA at PA
ni Rommel Placente

TATLONG nominasyon ang nakuha ni Gladys Reyes sa 40TH PMPC Star Awards For Movies, na gaganapin sa July 21 sa Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo de Manila.

Nominado siya for Movie Actress of the Year para sa pelikulang Apag, na pinagbidahan nila ni Coco Martin. Nominado rin siya for Movie Supporting Actress of the Year para sa pelikulang Here Comes The Groom. At ang isa pang nominasyon niya, ay sa kategoryang Darling of the  Press, na ang mga kalaban niya ay sina Alden Richards, Gretchen Barretto,Liza Diño-Seguerra,Piolo Pascual,Ramon “Bong” Revilla, Jr., Rei Anicoche-Tan, at Robin Padilla.

In fairness, isa si Gladys sa mga artistang may pagmamahal at pagpapahalag sa press,hindi lang sa mga member ng PMPC, kaya na-nominate siya para sa Darling of The Press. 

Sa 1st Summer Film Festival 2023, ay si Gladys sa itinanghal na Best Actress dahil sa hindi matatawarang akting na ipinamalas niya sa Apag, na naging dahilan para mapansin din siya ng Star Awards  For Movies at na-nominate bilang Movie Actress of the Year.

Si Gladys din kaya ang tanghaling Movie Actress of the Year sa 4OTH Star Awards For Movies? ‘Yan ang ating aabangan.

Sa Movie Supporting Actress category, na napakahusay ni Gladys sa Here Comes The Groom, siya kaya ang paboran ng voting members ng PMPC? Maiuwi kaya niya ang Movie Supporting Actress  of the Year trophy ? ‘Yan din ang ating aabangan. Pero in fairness, napakahusay niya sa Here Comes The Groom, huh!.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …