Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Blind Item, Mystery Man, male star

Sikat na sikat na aktor itinaboy, pinalayas ng hotel

ni Ed de Leon

NOONG isang araw, nag-throw back na naman sa showbusiness at ang napag-usapan ay isang sikat na sikat na actor noong kanyang panahon. Aba noong panahon niya siya ang leading man ng lahat halos ng mga sikat na leading ladies. 

Pero may pangyayaring hindi namin malilimutan tungkol sa actor na iyan. Nasa isang five star hotel kami noon dahil participant kami sa isang ginaganap na event at nang pababa kami sa lobby, nakita namin ang isang may edad nang lalaki at isang medyo bata pang babae ang pilt na itinutulak ng security ng hotel palabas. Nakilala namin iyong matandang lalaki, iyan ay sikat na actor noong kanyang panahon. 

Hindi kami nakatiis nilapitan namin ang mga security officer at sinabi naming bigyang galang naman nila iyong matanda at hindi basta tao iyan, sikat na actor noong kanyang panahon.

Alam naman po namin sir,” sagot ng security officer sa amin. ”Pero ang hindi ninyo alam bugaw ho iyang matandang iyan, nagdadala siya ng babae na ibinubugaw niya sa mga hotel guest at nakasisira  iyan ng reputasyon ng aming establishment.”

Kinausap naming mabuti ang mga security, sinabi naming kami ang makikipag-usap sa matanda, at aalis iyan nang kusa. Ang ginawa namin ay kinumbida muna namin sa coffee shop ng hotel, pinag-kape namin, at saka namin tinanong tungkol sa ibinibintang sa kanya. Inamin naman niya. Pero sinabi niyang kaya niya ginagawa iyon ay dahil walang-wala na siya, wala nang kumukuha sa kanya sa mga pelikula. Sa awa namin, matapos siyang magkape inihatid namin siya ng maayos sa pinto ng hotel at lumabas naman siya inabutan namin ng P500 at noong panahong malaki na iyon, ang lagayan nga noon sa mga member ng isang award giving body ay P200 lang.

Kaya nga nang maglagay sa kanila ng P1k producer ng isang pelikula para manalong best actress ang bida sa pelikula niya na girlfriend din niya, nanalo talaga kahit na hindi dapat. Pero huwag na nating pag-usapan iyan dahil matatanda na ngayon at ang producer ay isa na ring religious leader sa ngayon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …