Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jhong Hilario Vhong Navarro Ogie Alcasid Vice Ganda

Ogie, Jhong, Vhong ‘nakakanti’ rin ni Vice Ganda

HATAWAN
ni Ed de Leon

EWAN kung paanong natatagalan ng mga kasama niya sa show si Vice Ganda. Nang ipagtanggol siya ni Ogie Alcasid, ang singer ang binalingan ng netizens at sinabihang “ikaw mismo binabastos, hindi mo ba alam iyon?”

Ang totoo nag-react na nga si Karylle at maging si Regine Velasquez sa ginagawa ni Vice. Pero ano ang aasahan mo, galing iyan sa comedy bar at ganoon ang biruan doon. Parang mga biruan sa inuman. 

Kahit naman sina Jhong Hilario at Vhong Navarro kung pagsalitaan ni Vice eh, pero inuunawa na lang nila kasi nga sanay sa comedy bars. 

Kung ang makakasama niyang artista kagaya nima Mang Dolphy at FPJ tapos bibiruin niya ng ganoon, ewan kung hindi siya sungangain ng mga supporter niyon. Iyon nga lang kasi ang lahat ng kasama niya riyan ay lumalabas na support lang sa show niya, na siya ang bida kaya nalait-lait niya. 

Siguro nagtitiis na lang sila kaysa naman sa wala silang show. Pero kung iisipin mo talaga si Ogie na hindi lang comedian kundi ideal man pa noon ng GMA 7, tapos ganyan lang ang kababagsakan sa It’s Showtime, masakit iyon. 

Kung sa bagay, ‘di ba sinasabi rin noon ni Vice na, “wala kayong pag-asang sumikat sa kabila.” Pero bakit ngayon na nakatikim siya ng rating dahil sa GMA 7 kulang na lang halikan niya pati puwit ng mga boss doon?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …