Friday , May 9 2025
nora aunor

Fans ni Nora nag-ampalaya (Sa pagkalaglag sa The EDDYS) 

HATAWAN
ni Ed de Leon

ANG pait ninyo, ampalayang-ampalaya. Matapos na hindi mapasama sa nomination ng The EDDYS si Nora Aunor mabilis ang reaksiyon ng isang grupo ng fans na ewan kung ilan na lang ang members at nagsabing, ”hindi kailangan ni Nora Ang Eddys na iyan dahil mas mataas naman ang National Artist title at ang parangal sa kanya sa five continents kaysa riyan.”  Talaga ba?

Pero bakit tuwang-tuwa kayo nang ma-nominate siya sa isang award giving body na halos wala na ngang kredibilidad dahil talamak ang pagbebenta ng awards? Hindi rin ba totoo na kaya ipinagpilitan ninyong mailabas ang pelikula ni Nora na na-reject ng Metro Manila Film Festival (MMFF) kahit na sa isang micro cinema na isang kuwarto lang ang laki ay para makahabol sa mga award? Nang gawin ninyo iyon mas naging maliwanag ang katuwiran ng MMFF, wala iyong commercial viability. Sa isang micro cinema na ang capacity lang ay 50 ay wala pang nanood kaya cancelled na after two days.

Ngayon kaya nalaglag iyan sa The EDDY, dahil indie nga lang at kulang ang kalidad sa kalabang mga pelikulang ginastusan nang husto para mapaganda.

Hindi sa kinakampihan namin ang The EDDYS, kahit na sa totoo lang iyan ang nag-iisang award na pinaniniwalaan namin. Dahil alam namin na ang mga miyembro niyon ay may karangalan, mga editor sila ng mga nangungunang diyaryo, broadsheet, tabloid, at on line portals. Kung editor ka man ng isang diyaryong hotoy-hotoy lang o may kilalang record sa datungan, hindi ka tatanggapin diyan, hindi ka iimbitahang maging miyembro. 

Sa loob ng nakaraang anim na taon walang nanalo sa The EDDYS na masasabing naglagay o nagbayad. Hindi iyan kagaya ng iba na maski na ang mga ka-chipan pang pelikula ay nananalong best picture, best director, at best actor pa sa magkanong halaga? Hindi iyan gaya ng ibang nalagyan na nga may kasama pang trip sa abroad, may appliances pang request bukod sa datung para manalo. Open secret naman iyan sa industriya, kaya nga sinasabi namin na iyang The EDDYS ang pinaka-malinis. Kung hindi ka nakasama sa awards ng The EDDYS, sapal ka? 

At ano naman ang mahalaga riyan sa sinasabing five continents? Puro kayo five continents hindi naman ninyo mabanggit kung saan? At anong pucho-puchong festival iyong nagbigay ng awards? Sino ang mga nakalaban?

At ewan kung sasabihin namin ang batayan niyang national artist na iyan.

Hindi ba sinabi kay Presidente Digong na may sakit siya at baka matigok na eh hindi mabigyan ng parangal kaya pinirmahan na ng presidente ang proclamation? At saka isa pa, kandidato ang anak niya na baka gantihan ng kulto na hindi niya alam wala namang miyembro. Nauna na rin iyang ni-reject ni Presidente Digong ‘di  ba?

Iyon ngang ikinampanya niya nang husto na si Gloria Macapagal Arroyo lumayo sa kanya nang magkaroon siyan ng kaso ng droga sa US eh. Ni hindi siya natulungan pati sa piyansa.

Ngayon ano ang kasunod, magtitirik kayo ng kandilang itim na hugis tao sa labas ng simbahan ng Quiapo sa Hulyo 7? Naku hindi na tatalab ang kulam ninyo.

Hindi ba ipinagtirik ninyo niyan si Presidente Noynoy nang i-reject si Nora dahil sa druga case? Huwag ninyong sabihing hindi rin ninyo ipinagtirik si Presidente Digong nang i-reject siya ulit sa pareho ring kaso  at ingatan ninyo, baka biglang may magdikit sa inyo ng pandakakeng itim matodas pa kayo. At saka na kayo mangulam oras na ilabas na ang pelikula ninyo tungkol sa mga mangkukulam, baka makatulong pa sa promo ninyo. 

Sa amin nga ilang beses na kaming pinagbantaan ng kulam. May ipinadala pa sa aming picture ng kandilang itim na hugis tao. Hindi rin naman tumalab kasi malinis ang aming konsensiya, hindi kami tinatablan ng kulam, barang. O ano mang palipad hangin ninyo. Iyong mga kasapi ng The EDDYS, hindi rin tatablan ng kulam ang mga iyan. 

Isang pahid lang iyan ng Crystal Herbal Oil wala ng epekto iyan, ‘di ba Tita Maricris.

Maliwanag lang na sa malinis na labanan laglag ang pelikula ninyo.

About Ed de Leon

Check Also

Ralph dela Paz

Ralph Dela Paz sunod-sunod ang proyekto

MATABILni John Fontanilla SUNOD-SUNOD ang pelikula ni Ralph dela Paz matapos bumida sa advocacy film …

Alden Richards Tom Cruise

Alden Richards sobra ang katuwaan nang makita si Tom Cruise  

MATABILni John Fontanilla KITANG-KITA ang katuwaan kay Alden Richards nang makaharap ng personal ang  Hollywood …

Lani Misalucha

Lani balik-concert stage para sa isang timeless music at artistic excellence

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAITUTURING na grand comeback ang pagbabalik sa concert scene ng Asia’s …

Dennis Trillo Rhea Tan Beautederm Belle Dolls

Dennis okey lang mag-endoso ng beauty product; Rhea Tan puring-puri kabaitan ng aktor

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez OPISYAL na ipinakilala ng President/CEO ng Beautederm, Ms Rhea Anicoche-Tan ang bagong ambassador ng Belle …

Yul Selvo

VM Yul Servo Nieto patok sa serbisyo at tapat sa tungkulin, tunay na alas ng Maynila!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA GITNA ng ingay ng politika at walang humpay na …