Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item

Male star pinagbintangang may karelasyong beki, blogger na nang-intriga idedemanda

MAAARI bang magdemanda ang isang male star laban sa isang blogger na nagsasabing noong araw ay nakipag-relasyon siya sa isang bakla? Opo iyan ay maaari lalo na’t mapatutunayan ng nagdemanda na iyon ay nakasira sa kanyang imahe at nagkaroon ng discrimination’s laban sa kanya.

Maaaring sabihin ng blogger, “eh blog ko naman ito. At kaya kong patunayan ang sinasabi ko dahil ako ay may video ng kanilang scandal.”

Hindi po lusot iyon at isa pang panibagong kaso ang paglalabas niya ng scandalous video. Lalo siyang madidiin at sasabihing may malisya ang sinasabi niya.

Halimbawa, sabihin ng blogger na “ginagawa ko lang naman iyan dahil gusto kong gumanti dahil pinaaalis nila sa social media platform ang aking blog.” Lalo lang siyang nadidiin dahil siya na mismo ang nagpapatunay na may malisya nga ang kanyang ginagawa.

Iyan ang hirap sa mga blogger na walang alam sa batas ng pamamahayag. Hindi dahil marunong kang humawak ng cellphone, at nakakapag-live ka sa Facebook ay vlogger ka na. Kailangang maintinidhan mo ang batas at ang mga limitasyon mo bilang vlogger. Maaaring isang umaga ay magising ka na lang na may warrant of arrest na laban sa iyo.

May isang male star na naghahanda na ngayon ng demanda laban sa isang blogger /vlogger na nagsabi raw na noong nagsisimula pa lamang siya ay naging kabit l ng isang bakla at sinasabi pang siya ay bakla rin.

Bakit blog ko naman ito,” sabi pa raw ng inosenteng blogger. “‘Di mag-blog ka rin at sabihin mong hindi totoo.”

Naku ewan, mukhang walang naiintidihan sa batas ang blogger.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …