Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alden Richards Miss Universe MUPH

Alden ‘di raw pwedeng maging voice talent ng Waze

HATAWAN
ni Ed de Leon

NATAWA kami sa isang video sa social media. Hindi raw dapat na kunin si Alden Richards na voice talent ng Waze kasi baka raw mabangga ang driver.  Kasi iyon bang panatag na panatag sa pagsasabing “go straight in one hundred meters” tapos biglang sigaw ng “turn left.” Tulad ng ginawa niyang pagsigaw ng mga bayang kinakatawan ng mga Miss Universe Philippines candidate.

Pinagtawanan din ni Vice Ganda ang naging style ni Alden na akala mo kung siya iyon ay mas magaling ba siya? Kung si Alden ba ay taga-ABS-CBN gaganoonin niya? Para bang hindi sila nakabangon ngayon dahil sa pagkupkop sa kanila ng GMA

Gaya rin noong isang araw bida pa rin sa kanila ang TV Patrol nakalimutan nilang wala nang ABS-CBN at ang sinasabi nilang newscast ay wala naman sa GMA kundi nasa All TV. Tapos parang natauhan sila at biglang sabi ng 24 Oras sabay sorry kay Annette Gozon Valdez

Ang hilig kasing manlait eh. Ewan kung hanggang kailan sila aampunin ng GMA 7. 

Ang totoo nawala ang identity ng GMA 7 simula nang ampunin nila iyang It’s Showtime dahil hindi maikakaila na iyan ay nagmula sa studio ng ABS-CBN na lahat ng nagtatrabaho ay taga-ABS-CBN. At bukod sa kanilang GTV, palabas pa rin sa Zoe TV at sa Kapamilya Channel. 

Masasabi ba ng GMA na show nila iyang Showtime

Kinupkop nila iyan dahil sa sama ng loob nila sa TVJ na lumayas sa kanilang network at nagpabagsak sa kanilang noontime supremacy, pero kasalanan nila eh. Maling diskarte iyong kinampihan nila ang mga Jalosjos samantalang alam naman nilang ang TVJ ang nagdadala niyon. Akala nila dadapa ang TVJ kung lalaban sa mga Jalosjos, maling diskarte iyon. 

Kagaya ngayon masasabi ba nilang number one sila sa noontime eh wala na nga silang personalidad sa noontime dahil ang palabas nila sa dalawa nilang channel ay show ng dati nilang kalabang ABS-CBN.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …