Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dingdong Dantes Marian Rivera Kathryn Bernardo Alden Richards

Dingdong at Marian naisnab, naisahan

HATAWAN
ni Ed de Leon

MUKHANG naisahan sina Dingdong Dantes at Marian Rivera kahit na sinasabing ang pelikula nilang Rewind ang highest grosser noong 2023, na-dingdong sila nang ang ideklarang Box Office Queen ay si Kathryn Bernardo para sa A Very Good Girl at Box Office King naman si Alden Richards para sa Five Breakups and a Romance. Kapwa nailabas iyan na kumita naman pero hindi naging smash hits. In fact, kabilang iyan sa mga pelikulang sinasabing apektado pa ng slump.

Pero ang katuwiran naman ng iba gumawa sila ng box office breaker, iyong Hello Love Goodbye, pero hindi sila nabigyan ng title dahil nag-pandemic na nga. Pero sa palagay namin kung iyon ang basis, dapat sinabing sila ang Box Office King and Queen noong panahong iyon, at hindi ngayon. Pero dahil nagkalituhan na nga at mas kilala ang title na box office king and queen, parang na-dingdong na sina Marian at Dingdong dahil ang lumalabas ay ang king and queen at hindi naman iyong ibinigay sa kanilang Phenomenal Box Office  Stars of Philippine Cinema. Parang binigyan lang sila ng ibang title para ang manalo ay sina Kathryn at Alden, na mas maraming fans, mas maraming endorsements na makasisiguro na may commercials na papasok sa telecast ng kanilang awards, at magkakaroon ng pondo para sa scholarship na kanilang ibinibigay.

Inilalaban din ng fans ni Marian noong Metro Manila Film Festival (MMFF) na siya ang dapat na maging best actress, eh tinalo nga siya ni VIlma Santos, na nanalo rin sa Manila International Film Festival (MIFF),

At ngayon na-dingdong na naman siya dahil si Ate Vi pa rin ang kinilalang best actress ng foundation. Bakit nga naman hindi dumaan na iyon sa dalawang set ng mga juror at si Ate Vi ang kanilang choice, sasabihin pa bang mas magagaling sila kaysa mga kritikong nasa MMFF at MIFF

Hindi bale may FAMAS pa naman at URIAN na hindi na kasali si Ate Vi dahil Hall of Famer na siya, roon na lang sila maglaban-laban. Eh si Ate Vi naman hindi na inambisyon ang mga award na iyan eh, dahil ang gusto niya mapabalik ang mga tao sa mga sinehan at nagawa na naman niya iyon kaya kuntento na  siya, iyang award bonus na lang iyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

https://www.instagram.com/p/CbrIQt_LxCC/?utm_source=ig_web_copy_link