Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Liza Soberano

Liza Soberano ‘nagpasilip’ ng katawan

HATAWAN
ni Ed de Leon

MARAMI ang nagulat nang maglabas sa kanyang social media account ng mga picture na naka-bikini si Liza Soberano. Kuha raw iyon sa g resort sa Palawan dahil may ginagawa rin yata siyang isang commercial na kailangan niyang magsuot ng swim wear.

Siyempre marami naman ang natuwa dahil at least nakita na nila hindi lang ang mukha kundi pati hubog ng katawan ni Liza na dati nga siguro ay walang nakakakitang iba maliban kay Enrique Gil. Eh ngayon maliwanag namang split na sila, wala na silang relasyon at ang priority nga ni Liza ay isang career sa Hollywood na sana nga kahit paano ay matisod niya. Suntok sa buwan ang pangarap pero ano ang malay ninyo kung umabot nga rin sa buwan ang suntok niya.

Pero iba ang tingin namin eh sabihin mang iyan ay product endorsement sa abroad pero ang hitsura ng mga litrato ay para lang iyong mga sexy picture ng mga bold star na ginagamit sa kalendaryo ng mga local na alak. Hindi naman sa pamimintas pero para sa isang hobby din ang photography gaya namin wala kaming nakitang masasabing kahanga-hanga talaga sa mga picture na iyon. Baka naman iyan ay mga BTS lang at hindi siyang gagamitin sa kanyanng endorsement. Sana!

Kasi kung ganoon lang din ano ang kaibahan niyan sa mga kalendaryo ng Distelleria Limtuaco? Ano ang kaibahan niyan sa Tanduay, sa White Castle, at Emperador? Iyon ngang Emperador medyo nagiging upscale na ng kaunti ngayon eh simula nang mabili nila at i-take over ang Fundador ni Pedro Domecq sa Espanya. Isipin mo kalinya na sila ng sinasabing “pinaka mahusay sa Espanya” “Jerez dela Frontera” kaya kailangan medyo upscale na rin ng kaunti ang kalendaryo nila. Hindi na iyong inilalagay sa maliliit na tindahang may inuman sa mga kanto. Pangit mang sabihin mas maganda dapat kaysa roon sa mga bikini pic ni Liza.

Hindi rin namin alam kung bakit pumayag na siya sa ganoong pictorials. Kung sa bagay, sa panahon namang ito sinasabi nga nilang uso na iyan. Kung hindi mo gagawin iyan tatalunin ka pa ni Angeli Khang. Pero hindi ba naisip ni Liza na ngayong nasimulan na niya ang ganyan puwede iyan ang  laging hanapin sa kanya? Kung sa bagay simula nang medyo mag-retire na si Gretchen Barretto wala nang sumunod na ST Queen.

Pero sayang dahil nang maisipan ni Liza na magpa-sexy wala na ang director na si Rico Mambo. Sana sigurado na ang kanyang mga pelikula.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …