Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Harvey Baustista

Harvey may kaunting adjustment sa pagkakasama sa High Street

MA at PA
ni Rommel Placente

NAGBABALIK ang mga bida ng Senior High na pinagbibidahan ni Andrea Brillantes para sa season 2 ng serye nilang High Street.

Bukod sa mga nagbabalik na karakter, kabilang na rin sa High Street sina Dimples Romana, Romnick Sarmenta, AC Bonifacio, Ralph De Leon, at Harvey Baustista, ang gwapong anak nina dating QC Mayor Herbert Bautista at Tates Gana.

Sa High Street ay gumaganap dito si Harvey bilang si Wesley, ang camera man ni Sky (Andrea).

“Si Wesley kasi ano siya, madiskarte. ‘Yun ‘yung I think, maitutulong niya sa team ni Sky.

“Nakahanap siya ng paraan para matapos ‘yung story. Determined siya. I think yun’ ‘yung similarity namin,” kuwento ni Harvey tungkol sa kanyang role na hindi niya natapos ang sasabihin dahil pinutol na ito ng host ng mediacon na si EJ Salut para hindi maging spoiler sa kanyang role.

Sa tanong kay Harvey kung kamusta ang first taping niya para sa High Street, ang sagot niya, “Masaya siyempre, may kaunting adjustment pa rin sa akin. Kumbaga, nakikihabol pa lang sa mga convos nila. But it’s been fun so far.”

Hindi first time na nakatrabaho ni Harvey si Andrea. Nakatrabaho niya na ang ex ni Ricci Rivero before sa seryeng Hawak Kamay, na pinagbidahan ni Piolo Pascual. Kasama rin dito sina  Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat.  Kaya maituturing niyang  nostalgic para sa kanya na muling makatrabaho ang tatlo.

Ang High Street ay mula sa direksiyon nina Onat Diaz at Lino Cayetano.

Huwag palampasin ang premiere ng High Street ngayong Mayo 13 (Lunes) ng 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …