Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Wilbert Tolentino Asoka Makeup challenge

Asoka Makeup challenge ni Wilbert Tolentino viral

HINDI nagpakabog ang content creator, influencer, at talent manager na si Wilbert Tolentino sa Asoka Makeup Challenge na trending ngayon sa socmed.

Naka-3M views na ang Asoka makeup challenge na version ni Wilbert after one hour, na naka-post sa kanyang FB fanpage na @WilbertTolentino.

Nakatutuwa ang version ni KaFreshness sa Asoka makeup challenge niya lalo’t si Wilbert ang pinaka-unang male celebrity na kinarir ang challenge.

Mayroon ding behind the scene shots si Wilbert kung paano niya na-achieve ang napakaganda at nakaaaliw na video.

Napag-alaman naming 10 hours ang ginugol ni Wilbert para ma-perfect ang kanyang version ng Asoka makeup challenge.

Kasama ni Wilbert ang kanyang anak na si Willard King sa short video na nakadagdag sa pagiging entertaining nito.

“Mahilig kasi sumama sa akin ang anak ko. Sabi niya, gusto niya sumama sa video kaya ayun, nag-collab kami.

“Pero ipinaliwanag ko naman sa anak ko na kaya ako nagme-makeup dahil trabaho lang ito ni Papa bilang content creator,” sabi pa ni Sir Wilbert.

Para sa mga hindi nakaaalam, single parent si Wilbert sa kanyang biological son at ibinubuhos niya ang lahat ng oras at resources para kay Willard King.

Anyway, kaabang-abang din ang nagte-trending na rin ngayon na Piliin mo ang Pilipinas challenge na inihahanda na rin ni KaFreshness Wilbert.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …