Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Albie Casino

Albie ‘di makakalimutan mausoleum scene sa isang serye

MA at PA
ni Rommel Placente

KALIWA’T KANAN ang batikos na natanggap ni Albie Casino mula sa bashers nang amining hindi siya nakiramay nang pumanaw si Jaclyn Jose dahil sa atake sa puso. Katwiran niya, hindi naman siya welcome sa family ng namayapang aktres, kaya nagpakatotoo lang siya sa kanyang sarili, na hindi na niya kailangang sumilip sa burol nito.

Ipinagtanggol siyempre ni Albie ang sarili sa bashers. Sabi niya, “I don’t care about how people react, ‘di ba? But, like, that was just an honest question. I just answered.”

Katwiran pa ng aktor, “People die everyday, and of course it’s always sad when somebody dies, but I’m not affected by that.

“Why would I care about what somebody has to say on the internet? If I want your opinion, I’ll ask for it,” mariin pa niyang sabi.

Samantala, naibahagi rin ni Albie kung ano-anong mga eksena niya sa Can’t Buy Me Love ang hindi niya makakalimutan.

“‘Yung mausoleum scene, ‘yung kakaere lang. ‘Yung inamin ni Charleston Tiu (role niya) na nandoon siya noong namatay ‘yung… (nanay ni Caroline played by Belle Mariano). Kasi sobrang tagal naming kinunan ‘yun.

“I think we start shooting at 9:00 a.m. and then umalis na ako sa mausoleum mga 6:30 p.m. na. Tapos sobrang init,” aniya.

Pero worth it naman daw ang naranasan nilang hirap at pagod sa eksenang ‘yun, “Maganda, maganda ‘yung kinalabasan ng eksena. It was good so it was worth all of the hardship, na pinaghirapan namin.

“May sinend sa akin, may mga bata rin re-enact nila ‘yung eksena, ang galing-galing at saka kabisado nila in fairness, ha. Parang iniisip ko gaano katagal kaya nila kinabisado ‘yun kasi kami tagal namin kinakabisado ‘yun.

“Tapos wala silang script. Nakikinig lang sila sa nakikita nila,” bilib na bilib pang sabi ni Albie sa mga gumaya sa aktingan niya sa Can’t Buy Me Love na matatapos na next month.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …