Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden totohanan na panliligaw kay Kathryn; Daniel winasak ng isang gabing kaligayahan

HATAWAN
ni Ed de Leon

NGAYON mukhang totohanan na ang sinasabing panliligaw ni Alden Richards kay Kathryn Bernardo. Lumalabas naman na ang pamilya ni Kathryn at maging ang kanyang mga kaibigan ay mas natuwa at pabor kay Alden kaysa kanino mang naging manliligaw niya kahit na noong mga nakaraang panahon pa.

Kakatuwa rin na kung ang tingin noong araw ng mga tao kay Daniel Padilla ay saksakan ng guwapo ewan naman kung bakit wala namang nabago sa mukha nito Daniel pero simula nang isplitan siya ni Kathryn iba na ang na ang naging tingin nila sa kanya. May nagsasabi pa ngayong dahil sa buhok niya kamukha na siya ni Jake Zyrus, at talaga nga raw bagay lang kay Andrea Brillantes.

Hindi rin nila nagugustuhan ang comments ng ilan sa kampo ni Daniel, lalo na ang sinasabing sinabi raw ng ama niyon na si Rommel Padilla na, “alam naman ni Kathryn na guwapo si Deejay at natural lang na lapitan ng ibang mga babae. Hindi na niya dapat pinapansin iyon dahil siya naman ang minahal ni Daniel.” 

Pero masasabi rin kaya iyon ni Rommel kung ang anak niya ay ang babae?

Sa ngayon mukhang anumang katuwiran ang ilabas ni Daniel ay talo pa rin siya. Maliwanag na nang maghiwalay sila ay nakuhang lahat halos ni Kathryn ang simpatya ng ibang mga tao. Walang nagsabing tama si Daniel maliban sa nanay niya, tatay niya, at si Andrea. In the first place bakit nga ba hindi niya napigil si Andrea nang personal na ipagtapat kay Kathryn ang kanilang naging one night stand? Ang habang buhay sanang kaligayahan ay winasak ng kanyang isang gabi lamang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …